blessings

August 10th, 2006 by bebang-ej

teka baka akala nyo bigla akong naging religious? errr…. a…. medyo oo sige sa entry na ito.

teka let me explain bago nyo isiping sinasapian si bebang.

ganto kasi yun, ngayong buwan ng agosto, iisa lang ang estudyante ko. so naisip ko patay, ang liit ng kita (kits) ko. wala namang ibang raket kundi iyong zambales lit arts fest lang na dalawang weekend lang. maliit lang ang fee namin doon as facilitators tapos syempre, bayad pa ako ng pamasahe ni EJ papunta at pabalik ng Maynila.

tapos nag-iisip na ako at tumitingin-tingin sa mga bulletin board sa UP at baka me want ad na part time na puwede kong pasukan. tapos biglang (as in split nano second) biglang nag email itong isa kong kebigan na nahanginan yata sa tuktok at inalok akong maging researcher niya. canada-based siya at ako ay magsisilbing galamay niya rito sa Pinas. wow, ang bait ng langit (me branch siguro si God sa Canada) kako. tapos e di hapi na ako though hindi pa masyadong finalized yun pero at least meron, merong project.

tapos kanina tumawag ang isang taga-Adarna books. puwede raw ba akong pumunta sa ofc nila? akala ko may seminar workshop re: storytelling na pinapa-attend-an sa akin. sabi ko kelan? sa wednesday daw whole day. sabi ko, ayos to. makakatulong sa magiging proyekto namin ng kaibigan kong nasa Canada. o..ok, ok kako. tapos inexplain niya, iyon pala ako pala ang magkukuwento sa mga bata mula 7 hanggang 4 ng hapon sa isang school sa Marikina. ayos. goodluck na lang sa malasutla kong lalamunan

di nyo kasi alam (di ko na rin pinagkakalat) me talent akong konti sa storytelling.me panahon pa sa buhay ko (nung mga 3 years old si EJ) na basta na lang ako uupo at magkukuwento sa mga bata sa kung anumang park na mapasyalan namin ni EJ: sa playground sa subdivision sa Las pinas, sa Lunetang malapit sa baywalk at sa children’s playground sa Kalaw, TAft Ave.

bitbit kong kuwento e Dingdong Dragon, isang dragon na hindi nagbubuga ng apoy. ang cute nito. humingi siya ng tulong sa isang bruha na nagbigay sa kanya ng potions. e matanda na yung bruha so mali-mali. yung 1st potion, pagkainom niya, ang nabuga niya, fish. Yung  2nd, butterfly. Yung 3rd, flowers. tapos sabi ng bruha, alam mo wag mo na lang pilitin na bumuga ng apoy. tutal destructive naman ang apoy. naisip ni dingdong dragon, oo nga. pagtiyagaan ko na lang ang flowers. tapos naisip nila, magbusiness. nagtayo sila ng flower shop!!!

-end-

o ayun. tapos sumali ako sa salaysayan this year, patimpalak sa storytelling. sa awa ng panginoong maykapal sa kaitaas-taasan, eliminated agad ako sa 1st round. malungkot ako pero hindi masyado kasi alam nyo, mayabang ako. hindi ako sumasali kung alam kong matatalo ako. hindi ko pinupursue kung alam kong hindi mapapasaakin. actually hindi pala mayabang ang tawag dun. Duwag. tama. Duwag ako.

D-U-W-A-G bebang B-E-B-A-N-G

kaya nung sumali ako rito, narealize ko sa sarili ko, nabawasan nang konti ang pagkaduwag ko. mantakin n’yo, alam kong malaki ang chance kong matalo pero sumige pa rin ako? so dun  ako nakilala nung taga Adarna books.napanood daw niya ang aking performance (na losing hindi winning hahaha) tapos sabi niya, punta ka rito sa ofc for contract signing. wow, kako sa isip ko, may bayad itoh!!! haha

kaya hapi ako ngayon. pagod sa trabaho at kay EJ pero hapi. kasi sa totoo lang, ilang beses nang nangyari sa buhay ko na worry ako nang worry dahil wala nang raket sa mga susunod na araw, linggo, buwan. pero tsk…walang palya ang supreme being…wala…wala talaga….kasi sa mga ganitong panahon, lagi as in laging merong dumadating sa akin na BLESSINGS.

after work

July 24th, 2006 by bebang-ej

haaahaaahaaaaaaaahahahahaha

hindi. hindi ako tumatawa. naglalabas lang ng pagod ng katawan. oo actually hingal yan. gusto ko mang sumigaw, pagod na ako. katatapos ko lang magfinalize ng almost 40 page documentation single spaced ng isang orientation for education for all project ng ating DepEd.

ansakit ng ulo ko, mata ko, at kung ano-ano pa. feeling ko ang dapat nilang kinuhang documentor don e insider. andami kaya nilang terms na puro acronyms pa ang hindi ko alam at hindi ko talaga maintindihan. parang ganito, How can the ESG inject its CL-based strats into the EFA thru this so-called BESRA?

wahahaha asa pa ako no? o sige nga. pag nadecode nyo yan me libre kayong piso. eto:

P1.00

hay. ang hirap naman kasing kumita. pero andami kong natutuhan dun. halimbawa dapat daw ang lahat ng school e gawing child friendly. kasi 2nd home ang school oo nga naman.nung high school ako, home ko, school talaga, ang pamilya ko e mga kaibigan ko don. buti na lang at mababait ang high school friends ko at hindi ako napariwara. tingnan nyo naman di ba, dalagang ina lang naman ako hehehe

eto pa.since ang mga brgy natin inuuna pa ang mga sports related structures tulad ng basketball court (na by the way panlalaki lang naman) bakit hindi gamitin ang sports na ito sa pagturo ng acad subjects halimbawa ay ang math? o kaya sa pagluluto, turuan sila ng science. halimbawa, ang pagkulo ng tubig pag sobrang naiinitan, bakit umuusok? wow chemical change!!! science nga! makakarelate dito ang mga batang inaalila sa sarili nilang bahay. iyong hindi pa nakakasulat ng sariling pangalan e pinag-aalaga na ng kapatid, pinag-iigib ng tubig at minsan pinagsasaing pa (kung me isasaing nga)

nalaman ko rin sa event na ito na nagkaroon ng study dati tungkol sa mga criminal. meron silang common denominator. eto ay ang unhappy childhood. ngiii. nung nalaman ko to, mild na ang mga kurot at kutos ko ke ej.volume 3 na lang ang mga sigaw ko sa kanya(dati volume 16) kahit halos pumuti na ang pubic hair ko sa kakulitan niya.

siyempre ayoko namang maging kriminal si ej no?

isa sa mga pinakapinupush ng event na ito ay ALS o alternative learning system. yung dalawang binanggit ko sa taas, example yan. eto yung klse ng educ na hindi nakakulong sa teacher-student in a classroom setting. mas malaya ito. dito ang pinahahalagahan e learning process at hindi teaching process.ganda ng idea no?naku sana nga. saka hindi laging bata ang estudyante.out of school youth pwdeng adult ganun.oo nga naman kasi sa formal system,ang 13 yr old ay ibabalik mo s grade 1 pag d p siya marunong mgsulat ng pangalan. at alam nyo bang violence ito? lalong napapahiya ang bata pag ganun.so sa ALS ito ay iniiwasan.

next ish uli

unang book launch

July 21st, 2006 by bebang-ej

kagabi, ni-launch ang unang tatlong aklat ko. actually, co-author lang ako pero inaangkin ko na talaga. bihira naman ang magka-libro ano? saka proud na proud talaga ako. sa hirap ng buhay, pa-onti nang pa-onti ang manunulat. feeling ko nga mapapabilang na ito sa endangered species sa hinaharap. tapos mas mahirap lalo ang ma-publish.

tapos, heto ako: tatlo-tatlo ang nila-launch? hahaha bongga talaga!

dumating ang adviser namin for pp245 si mam marot.at napaka-heartwarming ng kanyang speech. paborito ko iyong “im so proud of you” line niya hahaha

dumating din ang bestfriend kong si eris na ever reliable. at hindi lang yun. me bitbit pa. pampadagdag sa mga pumapalakpak.

dumating ang mga kaibigan ko sa lira. itong mga ka-batch ko, napaka supportive. sana sa lahat ng mga orgs ganito. kasi sino ba naman ang magtutulungan? e di ba tayo-tayo rin namang mga manunulat.

so ano ang mga dapat isama sa listahan ng bibilhin sa susunod na bisita sa National book store?

1. hilakbot-limang kuwentong isinulat ng limang manunulat. halos lahat ay base sa research paper namin on haunted houses: ang bisa ng sabi-sabi sa class nga ni Mam marot. pinakanakakatakot? iyong kuwentong dormitoryo

2. loyola high-isang maikling nobelang binubuo ng 12 chapters. diary entries ito ng mga high school freshmen na sina Mayumi, Lance, Wendell at Severino. o hulaan nyo kung sino ako diyan! nyehehe

3. City lights- compilation ng mga kuwento tungkol sa iba’t ibang lugar sa metro manila. ang charming ng cover WAG TATAWID NAKAMAMATAY. hahaha! pink all over! si adam david siguro me pakana nito!

o ayan. bili na!

congratulations at maraming salamat sa mga co-authors ko!

*salamat nga pala una sa nanay ko. kahit war kami. forever na yata kaming war.
*sa anak ko, si ej na kahit makulit at sutil e mabait pa rin. (eto ang parikala, personified)
*kay joji, ang aking saksakan ng supportive at mabait na BF
*ke eris at ron although hindi masyado si ron, ang best friends ko
*ke sarah ng psicom para sa pagkakataong ito
*sa mga kaibigan ko sa up, sa lira siyempre lalo na sa tatay rio ko (imagine, kung hindi niya nilalait-lait ang tula ko, malamang wala akong collections ng fiction ngayon)
*ke sir vim na kahit minsan ang talas-talas ng dila niyan, mahal ko pa rin yan kasi walang sawang sumusuporta sa mga baguhang manunulat!
*kay mam marot, naku talaga kung hindi niya hinain ang idea, wala sigurong hilakbot
*sa lahat ng naniniwala sa akin, maraming salamat. talaga. thank you. as in.

inaalay ko ang tatlong librong ito kay ej.