Archive for February, 2007

ang mahipuan

Thursday, February 22nd, 2007

Nahipuan ako nung Biyernes habang nakasakay sa dyip. Sa suso. Sa kaliwang suso. Wala namang kaso kung kaliwa o kanang suso pero gusto ko lang maging specific, bakit ba? So, kaliwang suso.

Ganito ang pangyayari:

Sumakay ako ng dyip mula sa Kamias papuntang Quezon City hall. Balak kong sumakay uli ng dyip papuntang Philippine Children’s Medical Center sa city hall. Bakit? Anong gagawin ko sa PCMC? Regular ang Dagdag Dunong Project dun every Thursday AM. E, hindi ako nakarating nung Thursday dahil sa report ko sa MA class. So nagtext ako sa coordinator ng mga volunteer na Biyernes na lang ako pupunta.

Pagsakay ko ng dyip, nagbayad agad ako tapos bumaling ako sa kanan kung saan naroon ang bintana ng dyip. Nag-iisip na ako ng ipagagawa sa mga batang matuturuan ko sa ospital. Me dala akong mga colored paper, gunting, pandikit, string at iba pa. Tama! Tuturuan ko silang gumawa ng Chinese lantern dahil  Chinese New Year na!

Napapangiti  na ako sa idea ko. Madali lang gawin ‘yon, konting tupi, gupit, dikit, sabit. Tiyak akong makakaramdam ng sense of achievement ang mga bata. Ididisplay ko ang mga parol nila sa isang hallway sa PCMC.

Bigla, me naramdaman akong
something na mainit sa kaliwang dede ko. Paglingon ko sa kaliwa ko, huling huli
ko pa ang kaliwang kamay ng lalaki na
mabilis na bumabawi. Iyong tipong parang nangsnatch. Ganun. Napansin kong yung
kanang kamay niya, nakayakap sa backpack niyang nakapatong sa kanyang hita. So
hindi kita ang kaliwa niyang kamay na gumagawa na pala ng kabulastugan kasi
natatakpan nga ng bag.

 

Nabigla ako. Napoot ako. So bigla
+ poot = bagyo, tsunami, volcanic eruption, lindol etc. In short, state of
calamity kang lalake ka!

 

“Bastos ka, a!” sigaw ko sa kanya.
Gusto ko na sanang sampalin that moment kaso agad ko ring binura ang idea kasi
baka bigla akong sapakin. Art workshop sa mga batang pasyente nang durog ang
ilong ko’t putok-putok ang labi? No!

 

Sagot ni Boy Bastos, “Hindi! Kasi
yung cellphone ko….” Biglang inapuhap ng mga kamay niya ang cellphone na
nakasukbit sa side ng kanyang bewang na malapit sa akin.

 

Amputah. Iniinsulto pa ako? Ang
dede ko, kapantay ng bewang niya? Therefore, ang dede ko, lawlaw?

 

Mas nakaka-harass pa ang
tatanga-tanga niyang palusot! E, ang dede ko, parang makatang suicidal. Sylvia
Plat na plat. At wala namang plat na
lumalaylay, di ba?

 

Hay. Talaga naman, o. Manyak na,
bobo pa! Mano ba namang sabihing, “Ay sori, Miss, nasagi kita” or “pasensiya
na, akala ko kasi ikaw ‘yong girlfriend ko, kamukha mo, e. Miss ko na siya” or
“hindi ko kasi mapigil ang kamay ko, gustong gustong makahawak ng malambot,
maalindog, kagigil-gigil na…
.”

 

E, kung yung last statement kaya
ang sinabi niya, baka na-flatter pa ako at malugod sa sarili at hindi ko na

sana

nasabi sa kanya ang mga sumusunod:

 

Anong cellphone-cellphone? Ramdam
na
ramdam ko. Hinawakan mo ang suso ko!” sigaw ko. Talagang sigaw, dear
friends. ‘Yong nakakatulilig na sigaw. 58941974319641 decibel. Nanlalaki ang
mata ng lalaki pati na ang ibang pasahero (na pulos lalaki, mind you). Wala na
akong paki. Dede ba nila ang nahawakan? Isipin na nilang OA ako dahil hindi
naman dinakma or nilamas or nilamog. Pero kahit na. Isisigaw ko pa rin ‘to sa mundo.
Teka, sila kaya ang matsansingan? Sa betlog? Ng mga
bading? MagTITItili rin sila,
pustahan!

 

Hindi ko nga sinasadya. Kasi
‘yong cellphone ko…”

 

Bastos! Anong di sadya?” kako.

 

Walang babaan ng lakas ng boses,
ha? Baling ako sa mamang driver, “Manong, ihinto n’yo ang dyip. Pababain n’yo
to! Pababain n’yo ‘to!”

 

Patuloy sa pagtanggi ang lalaki.
Huminto ang dyip. Noong akmang bababa na si Boy Bastos at nakatalikod na sa
akin, balik ang revenge mode ko. Tog! Kinabog ko ang likod niya. Hmp, gago!

 

Tapos nung nandon na siya sa
estribo, pinabaunan ko pa siya ng

 

“Malibooooooooooooooog!” at the
top of my lungs.

 

Ngitngit na ngitngit ako. Wala na
talaga akong paki kung nakatingin lahat ng pasahero sa akin. Nasira ang mood
ko. Lungkot na lungkot ako, galit na galit pa. After two minutes, bumaba na rin
ako ng dyip at sumakay ng isa pang dyip papuntang PCMC.

 

Pagdating dun, isang staff na di
ko kakilala ang sumalubong sa akin. Hindi ako makapagkuwento. Kahit di ko
nakikita, alam ko, lukot na lukot ang mukha ko sa sobrang bad trip. Dehins ko
talaga kayang mag-art workshop nang ganito. Naghanap ako ng kakilala. Pumunta
ako sa coordinator, kay Mam Beth at kinuwento ko sa kanya lahat. Himalang
natatawa naman ako nung kinuwento ko na. Pati tuloy siya, nasa-shock na
natatawa. Pagkatapos, sabi niya, gusto raw akong makausap ni Dra. Jocson para
sa activity namin next week. Baba a
ko sa opis ni Dok. Pagkakita ko sa kanya,
kuwento na naman ako. Buong staff niya, na puro babae, nakinig, na-shock at
natawa nung natatawa na rin ako.

 

Hay. Ang sarap ng feeling na
nailalabas mo ang sama ng loob mo. So ayun, nasa mood na ako uli.

 

Well, I didn’t have much time to
really think about what happened but that’s enough. I got work to do.

 

Si Boy Bastos? Siguro nangmamanyak
na naman. O baka nagpunta sa simbahan, nagsori kay God (which I doubt). O baka
buong araw iniisip na napahiya siya sa dyip. Hindi maka-concentrate sa trabaho.
Ewan.

 

Eto lang ang sigurado: hindi kayang sirain ng isang
manyakis na tanga ang araw ko.

 

Sa hapon na iyon, marami akong
napasayang bata. At kung mapapadaan kayo sa Room G-9 ng PCMC, makikita n’yo sa
labas nito ang makukulay na Chinese Lantern.

 

Kung Hei Fat Choi!