si maya pa rin
Alam mo kaya kita nilagay sa libro, para i-immortalize ka. Ikaw
at ang mga alaala mo sa isip ko. Posible raw ang immortality sa alinman sa
ganitong paraan:
- magtanim
ng puno - mag-anak
- magsulat
ng libro
Kaya ikaw, isinusulat ko sa libro.
Nagsusulat ako ng mga bagay na pinakamalapit sa puso ko. Kasi
‘yon ang mga alam na alam ko. Nagsusulat din ako tungkol sa mga bagay na hindi
nagkaroon ng katapusan. Ng mga bagay na walang closure. Kasi iniisip ko, pag
naisatitik ko na ang tunay na
nararamdaman ko, maipa-process ko ito. Mawawala sa dibdib ko. Magiging malaya
ako. Ito pala’y isa lamang sa mga lesson na matututuhan ko sa buhay sa
pamamagitan ng pagsusulat. May mga bagay na hindi mo kayang pakawalan kahit ano
pang gawin mo. Kahit pa ipagtabuyan mo. Kasi minsan me hibla ng isip mo ang
siya mismong nakakapit sa mga bagay na ito.
Paano ‘yan? Wala na talaga akong kawala sa mga bagay na
basta na lang nawala at di nagpaalam sa akin at hanggang ngayo’y kinakasama ko
pa ng loob ang pagkawala nila?
Nakakaiyak naman. Totoo kasi.
-Maya
December 12th, 2008 at 3:27 am
Blogwalking ..
nice posting i found here,.. thanks for the info