Archive for October, 2006

maya pa

Sunday, October 22nd, 2006

 

Lagi nga kaming nag-aaway e, sabi mo, strong kasi ang
personality niya. napaka-strong. Grabe.

 

Sa isip-isip ko, ba’t ako strong din naman, a?

 

Sabi mo, ikaw, weak ka pa, e. weak pa ang personality mo.

 

Di ko alam kung bakit mo nasabi ‘yan. Baka hindi mo pa nga
ako lubusang kilala. I consider myself a strong woman. Matigas ang ulo. Makulit.
Maulit. Mapilit. Malakas ang loob. Matatag.

 

Pero siguro, akala mo, weak ako. Kasi isang yaya mo lang,
sama na ako. Kahit pa ang tagal-tagal ding di dinalaw ng text mo ang cellphone
ko. Kasi…kasi… maraming beses na hindi ko napigilan ang sarili kong itext ka o
tawagan ka. Lalo na pag kinukutkot ng alaala mo ang isip ko. Weak ang tawag
diyan.

 

I disagree. Malakas ako. Pero ang lakas-lakas mo naman kasi sa
akin. Daig mo pa ang Globe.

si maya pa rin

Sunday, October 22nd, 2006

Alam mo kaya kita nilagay sa libro, para i-immortalize ka. Ikaw
at ang mga alaala mo sa isip ko. Posible raw ang immortality sa alinman sa
ganitong paraan:

 

  1. magtanim
         ng puno
  2. mag-anak
  3. magsulat
         ng libro

 

Kaya ikaw, isinusulat ko sa libro.

 

Nagsusulat ako ng mga bagay na pinakamalapit sa puso ko. Kasi
‘yon ang mga alam na alam ko. Nagsusulat din ako tungkol sa mga bagay na hindi
nagkaroon ng katapusan. Ng mga bagay na walang closure. Kasi iniisip ko, pag
naisatitik ko na ang tunay na
nararamdaman ko, maipa-process ko ito. Mawawala sa dibdib ko. Magiging malaya
ako. Ito pala’y isa lamang sa mga lesson na matututuhan ko sa buhay sa
pamamagitan ng pagsusulat. May mga bagay na hindi mo kayang pakawalan kahit ano
pang gawin mo. Kahit pa ipagtabuyan mo. Kasi minsan me hibla ng isip mo ang
siya mismong nakakapit sa mga bagay na ito.

 

Paano ‘yan? Wala na talaga akong kawala sa mga bagay na
basta na lang nawala at di nagpaalam sa akin at hanggang ngayo’y kinakasama ko
pa ng loob ang pagkawala nila?

 

Nakakaiyak naman. Totoo kasi.

 

-Maya

mga naiisip ni maya

Sunday, October 22nd, 2006

Ganito rin pala ang feeling. Masakit pa rin. Hindi ko na nga
siya naka-do, ganun pa rin. Bakit kaya? Bakit kaya everytime na magkikita kami
ni Brian, tapos pag umalis na siya, nalulungkot ako? Actually, hindi lungkot. Kirot.
Kumikirot ang puso ko.

Para bang umuka siya ng kapiraso
nito tapos dinala, tangay-tangay niya pag-alis niya.

 

Dati, akala ko kaya ko nararamdaman ang feelings na ‘to kasi
feeling ko ginamit niya lang ako after naming magsex. Ganito, sa umpisa, kilig
na kilig ako. Bawat haplos niya, Meralco bill ang dating. Kuryente. Nandiyan na
ang kuryente. Tapos matutuloy ang lahat ng haplusan sa halikan tapos matutuloy
lahat ng halikan sa sipsipan ng mga bagay-bagay na nabubuhay. Tapos yun na,
dyug-dyugang umaatikabo. Anong panama ng mga x-rated videos ng Kano sa ‘min? Wala!

 

Tapos hihiga kami sa tabi nang isa’t isa. Minsan parehong
nakaharap sa salamin. Minsan, nakaharap sa isa’t isa. Ako, sinasaulo na naman
ang mukha niya para sa tiyak na matagal-tagal na namang di pagkikita. Siya,
ewan. Baka ganun din. O baka dahil alam niyang masasaktan ako pag di niya ako
tiningnan. Masyado kasing cerebral na tao ‘to, e.

 

Tapos habang tinitingnan ko ang bawat bahagi ng kanyang mukha,
aatake na naman itong lungkot, kirot, ewan ko ba, hindot! Ang sama ng
pakiramdam ko. Parang iyong nararamdaman mo pag nahuhuli kang nangupit ng barya
sa bulsa ng pantalon ng tatay mo. Iyong parang pag nakakakita ka ng isang nanay
na kelangan nang umalis papuntang work at iyak nang iyak ang baby niya. ‘Yan. ‘Yang
ganyang feeling. Laging nag-iiwan ng malaki, ga-mundong bikig sa lalamunan mo.

 

All along, akala ko, after-sex feelings lang ito.

 

Kanina, nagkita kami, nagkausap lang. Hindi nagsex. Ni hindi
kami nakapagholding hands o nakapaghubad man lang. Super wholesome activity. Kumain
ng fries sa fast food nagkuwentuhan tungkol sa love life niya, love life ko, masaya-ka-ba-sa-kanyang
uri ng pag-uusap, work niya, work ko, travel, past namin, things we told each
other before tapos matatawa kami. Masayang tawa, sincere. Kitang kita sa mata
ng isa’t isa. Tapos nagpaalam na siya nung nagtext ang karelasyon niya. Sumakay
siya ng sasakyan niya at pinaandar na ito.

 

Bye!

 

Tapos me anti-physics na nangyari. Habang paliit nang paliit
ang sasakyan niya sa paningin ko, palaki nang palaki itong masamang pakiramdam
sa dibdib ko.

 

Lungkot? Kirot? Ewan. Tangina. Ganun din pala. Nagsex na
lang sana kami.

 

-Maya,

tauhan sa mahabang kuwento ng pag-ibig na matagal ko nang
sinusulat

dahil sa isang pelikula

Wednesday, October 11th, 2006

ilang linggo na rin ang dumaan nang mapanood ko ang memoirs of a geisha. ang dami kong narealize habang pinapanood ko ang pelikula at pagkatapos nito. napanood ko ito isang araw yata pagkatapos kong manood ng tatlong sunod-sunod na korean films sa up.

maganda ang memoirs of geisha pero mas maganda ito kung mula sa point of view ng isang japanese, ng insider. pero anyway, heto muna ang mga lines worth remembering:

1. a story like mine should never be told-opening line ito grabe so parang sabi ko, wow, ano kaya ang kuwento niya?
2. water is powerful. it can destroy rocks or even iron over time. when water is blocked, it  creates a new path.
3. every step i made was to bring myself closer to you-bidang babae to bidang lalaki(haaaaaaaaaaay!)
4. you cannot tell the sun, "more sun!" you cannot tell the rain, "stop!" for a man, a geisha is half a wife but won’t you also call this happiness: realizing that a child’s fervent prayer was finally answered?  –yun kasing bidang babae, na-meet niya ang lalaking pinakamamahal niya noong bata pa siya. binilhan siya nito ng parang slurpee at binigyan ng konting coins. iyong batang iyon (bidang babae), imbes na ipambili ng food ang pera, inalay niya ito sa temple at nagdasal na sana makita at makapiling niya ang lalaking iyon sa hinaharap.
5. geisha means artist. to be judged as one is to be judged as a moving work of art.
6. there’s a poem in the temple called Loss. the poet wrote three words under the title and then erased them. you cannot read the poem Loss. you can only feel it.-haaaaaaaaaaaaaay
7. at eto ang ending (pagkaraan niyang i-explain ang concept niya ng happiness na nakasaad sa #4): anyway, these are not memoirs of an empress nor a queen. these are memoirs of another kind.

ayan. ang ganda, ano?

pero ayun nga. ang dami kong narealize. kapag outsider ka at lumikha ng isang bagay na malayo sa karanasan mo, kahit anong ganda ng gawa mo, hindi nito mahihigitan ang likha ng isang insider. teka, malabo ba? kasi, kakapanood ko lang ng korean films di ba nang mapanood ko ang geisha? doon sa tatlong korean films, suwabe ang storytelling. ang shots, simple. ang issue, presentation at discussion nito within the film with brutal honesty. sa geisha kasi, na dinirect ng isang amerikano, sa isang eksena, ang dami niyang gustong ipakita. siguro dahil abala pa ang director sa pag-eestablish ng setting: time and place. parang lagi siyang nagpapakilala ng lugar, panahon at mga tauhan sa maraming eksena. parang natatakot siya na makalimutan ng manonood na hello, japan ito, war time, geisha sila, jap.men ito….so parang ang nangyari, middle man si director sa dalawang taong hindi magkakilala. at sa bawat aksyon ng isa, ineexplain niya sa isa.

may mga tendency ang ganito: nasasala ng isang tao ang issue ng ibang tao. natutuhan ko ito sa orientalism ni edward said. sabi niya, kunwari amerikano ka, amerikano, e di lalaki? lagi mong titingnan ang isang bagay thru the point of view ng isang amerikano at isang lalaki. kasi that’s the way you were taught how to look at things, as an american and as a man.

aba, oo. malaki ang pagkakaiba nun kung titingnan mo ang isang bagay bilang isang pilipinong lalaki. so ganun din sa movie. nafifilter muna ng director ang issue bago makarating sa atin. in short, interpretasyon ng isang lalaki mula sa US ang napanood kong memoirs of geisha.

sa korean films na napanood ko, wala nito. kasi nga sila mismo ang nagpapakilala sa sarili nila sa viewer sa pamamagitan ng dialogues, eksena etc. sasabihin nila ang issue nila tapos hihimaymayin ito sa harap mo. walang kiyeme. sapul agad.

na-realize ko rin na ang laki ng kinalaman nito sa panitikan. ako bilang isang manunulat, ang the best na masusulat ko ay ang mundong ginagalawan ko. kung magsusulat ako mula sa point of view ng iba, magiging middle man lang ako. halimbawa, magsusulat ako tungkol sa buhay ng isang manggagawa, titingnan ko ang issue nila bilang isang babaeng nakapag-aral tapos saka ako magsusulat. at kahit pa sabihing 1st person point of view ang isusulat ko, tiyak ko malayo pa rin ito sa anumang maisusulat ng isang totoong manggagawa.

actually, medyo matagal ko nang alam ito pero ngayon ko lang talaga lubos na naisip at na-internalize. ano nga ba ang saysay ng pagiging manunulat kung  taga-interpret ka lang ng mundo? mundo ng pulubi? mundo ng tindera ng longganisa? mundo ng kahera sa beerhouse?

actually (uli), meron namang saysay ito. halimbawang ako, magsusulat ako tungkol sa batang nabulag dahil lumiyab ang binibilot niyang paputok (source of income niya), maganda iyon. malalaman ng iba ang ganitong sitwasyon. pero…pero… ang mamamangha rito, ang hahanga rito ay iyong hindi lubos na nakakaintindi sa complexity ng lipunan.  yes, hindi pa niya kayang irepresent ang sarili niya. bata pa. hindi pa nakapag-aral, etc… then what should we do? what should be done? bilang manunulat, forever na lang ba nating irerepresent ang batang gaya ng binanggit ko?

at kapag ganito na nanggagaling ka o nagsusulat ka sa point of view ng mas nakakataas kaysa sa subject mo, you tend to romanticize the situation. gustuhin mo mang isulat ang damdamin niya, hindi ito lalabas. kasi ang lalabas, e ang damdamin mo tungkol sa damdamin niya. in short, nasala na. usually, me halo nang awa o di kaya, paghanga o di kaya, inis o galit.

minsan na akong nasabihan na ang pagtula ay gawaing hindi pambalana. napatanga ako nang marinig ito. hindi agad ako nakapagreact kasi, hindi ko alam kung tama o mali. sinipsip nang pa-onti-onti ng utak ko ang pangungusap na ‘yon. pero after sometime na-realize ko, mali ito. ang nagsabi nito, marahil ay may paghahangad na i-monopolize ang sining ng pagtula. para mula lang sa point of view niya at tulad niya manggaling ang lahat. para sa iilan lang. para sa nakapag-aral lang. para lang sa may panahon at pera. so sa tingin n’yo, ano ang lalamanin ng mga libro natin? puro interpretasyon sa mundo ng iisang uri lamang.

ang pagtula o anumang gawaing pampanitikan ay dapat na ibinabahagi sa kahit na sino. dapat iyang itinuturo kay nene, kay boy, kay inang, kay manong driver, kay miss, size 8 nga, kay  lady guard at kung kani-kanino pa. dahil ang pagsulat o pagsasatitik ng isip at damdamin sa anumang karanasan ay isang paraan ng empowerment. ang pagsusulat ay isang paraan ng pagsasabi ng: mahalaga akong bahagi ng kasaysayan, ng lipunang ito.

ngayon, imaginin mo, ang laman ng mga taludtod ng isang magniniyog.

sa mga ganitong akda, tiyak ko, lalong yayaman ang ating panitikan.