Spell Spelling
Nung nasa elementary ako, ang husay ko sa spelling. Ang pinaka di ko malilimutang eksenang me kinalaman sa spelling e nung nagquiz kami at natalo ko ng isang point si mark, ang kaklase kong tinuturing na pinakamahusay sa spelling at sa english. (pero hikain, sakitin at may sakit na K as in katamaran (nagpapaclinic para di magklase) kaya di nakaka-top ten).
18/20 ako. si mark, 17/20. Nyehehehe!
Pero actually di yan ang dahilan kung bakit naisip kong talakayin ang spelling ngayon. eto: alam n’yo ba na ang pinakamahirap ispelengin sa lahat e, lalaki? Well, actually babae at lalaki. So gender-based ito, pipol. Kung babae ka, pinakamahirap ispelengin para sayo e, lalaki. Kung lalaki ka, pinakamahirap ispelengin para sa’yo, babae. Kahit ipagtanong n’yo pa. Proven ‘yan.
So… oo. Me krisis sa puso itong si bebang.
Naknampusonggala naman kasi.
Kahapon, nasa Subic, ang jowa ko. Nung Friday pa siya ‘andon. So nagtetext kami mga once a day (wala kasi ako load. Meron akong load pero obligado akong gamitin sa event ni sir roger mangahas dahil binayaran niya iyon. Honest akong tao, bah…) pero nagchat kami nang mga dalawang araw nun ngang out of town siya. the usual, miss na miss niya na ako. kamusta? Ano gawa mo? kind of conversation.
Kagabi nga pauwi na siya, tapos tinext niya ako. Mahal, pauwi na ako. love you. (Yak ang mais namin ‘no? hahaha) E, nasa SM kami nun ni EJ, bumili ng kurtina (na noong isinabit ko na rito sa sala e, nagmukhang kubeta ang sala. Pangbathroom curtain pala ang dating shengot talaga ako), punda ng throw pillows (kasi isang dekada na ang mga punda rito), bagong bag ni EJ (na kamukha ng bag kong itim pero ayaw niyang gamitin, gusto lang yata talaga gumastos ang ina niya), toilet bowl cover (para maiwasan nang masayangan ng sabon, minsan lumilipad ang sabon at nahuhulog sa nakangangang toilet bowl) at kung ano-ano pa.
Pagbasa ko ng message ni jowa, wala naman akong masyadong reaction. Lagi naman siyang nagtetext nang ganun pag pauwi na. Tinayp ko: ingat ka. tapos send. (tapos na ang event ni sir roger so bumili na rin ako ng trentang load, cheap, pare!) Tapos continuation ng pamimili. Walang reply. Ayos lang.
Pagkatapos mamili, nagpunta kami ng Conspiracy ni EJ. Launch ng ani at gusto ko sanang magperform para magkalibreng kopya ng Ani. Pagdating dun, jampacked yung lugar. Happy naman ang atmosphere. Daming sikat na manunulat, musikero, pintor etc. pinakain ko si EJ ng dinner. Ako, nagsan mig light (naalala ko tuloy ang kaibigan kong si Mitch na laging umoorder ng san mig lights. Laging me S kahit isang bote lang ang inoorder niya. tapos magyayaya, buttons up! Ibig sabihin, tungga!). nakadalawa akong san mig light sa conspi. Ayos. Nahilo ako at medyo nagkatama. Tapos tinatawag na ako ni EJ na lasing. Umuwi kaming naka-taxi. Isang beses sa tatlong taon ako magtaxi so me tama talaga ako that night.
Kanina, nagkita kami: EJ, ako, jowa at driver ni jowa. Kumain kami sa KFC. Tapos sinumbong ako ni EJ.
EJ: si Mama, lasing kagabi!
Nag-iba ang expression sa mukha ni jowa. Kumbaga sa toilet bowl, kung kanina walang laman, e bigla-bigla, nagkalaman. At ang sama ng laman. Not ur usual laman.
Patay, sa isip-isip ko. Tapos minumura ko ang sarili ko ba’t kasi binuhay ko pa si EJ. Sana pinindot ko na lang ang ilong niya nung baby pa siya. Sana binalot ko na lang ng diaper ang mukha niya nung baby pa siya, para ma-suffocate. sana iniwan ko na lang sa mall nung siya ay toddler pa.sana …sana…
Biglang hirit ni jowa, kaya pala ganun ang text mo.
Ano yon? tanong ko. Nakalimutan ko talaga kung ano ang tinext ko. Nag-alala ako. baka nung lasing ako, tinext ko siya ng YOU’RE NOTHING BUT A SECOND RATE TRYING HARD PUSSY CAT. o di kaya ng, LIFE IS LIKE A BOX OF CHOCOLATES, YOU’LL NEVER KNOW WHAT YOU’RE GONE AGAIN.
Ingat ka, sabi ni jowa.
Tapos natawa ako. O, kako, bakit? Anong masama roon?
A, wala palang masama roon?
Ano nga? Dito ko sinusumpa ang sarili ko, sa ganitong instances. Kasi pag kinakabahan ako, napapangiti ako. so mukha tuloy hindi ako nag-aalala. Mukha tuloy nagbibiro pa ako or nagtatanga-tangahan. Basta, mukhang hindi seryoso.
Sabi niya, ang cold-cold.
Napa-Aaa… ako. tapos kumawala ang pagkaluwang-luwang kong ngiti. Actually, gusto ko nang humalakhak sa point na ‘yon. Ang lalaking ito, nagtatampo na parang teenager, samantalang ang edad e, kandidato na (isang alikabok na lang ang di pumipirma) sa home for the aged! Grabe talaga. Yan. yan ang pruweba ko na ang mga lalaki ang hirap ispelengin. Susme, sa point na ito dapat kabisado ko na’t ilang taon ko na rin siyang karelasyon, ano? but no, gosh like a box of chocolate, my dear friends, unpredictable!
Pumormal ako. sumeryoso at nagsabi ng SORRY. Tapos humugot ako ng hininga. Pinigil ko. Tapos nagdasal ako nang mataimtim na sana…sana ‘wag akong mapangiti. Sana manatili ang seryoso kong mukha. Pumikit pa ako hindi dahil ayokong makita ang mukha niya kundi nagdasal ako hindi lang kay god kundi sa mga santong naaalala kong itinuro ng grade 3 teacher ko. Sta. cecilia, st. anthony, sta. clara, santa ana, santa cruz, santa claus. Pati sa mga babaeng banal, mama mary, nuestra senora de guia…
Kumain kami nang marami sa KFC tapos hinatid na niya kami ni EJ pauwi. pagdating sa bahay, nag-usap kami sa may sala (with the bathroom look) tapos inungkat niya uli ang pagkalasing ko kagabi. Mega katwiran ako: kelan ba ako huling uminom? last year yata, a! treat ko lang sa sarili ko to!
Tapos mega katwiran din siya, ako ba kelan huling uminom? blah blah tapos bigla niyang sinabi, sige, sige bukas na lang natin to pag-usapan. Sabi ko ngayon na. tapos tumayo siya at nagbabay kay Ej at lumabas ng pinto. Parang nang-aasar pa na nagbabay sa akin na may screen na nakapagitan sa amin. Feeling niya hahabulin ko siya. Nguso niya!
lumabas siya ng gate namin nang mag-isa.
Aaaaa…….kainis. bad trip talaga. Ba’t ba ang mga lalaki me ganyang ugali? Ayaw nang head on collision. Bigla na lang tatalikod. Maglalakad palayo. Aalis. Tatakbo. Magbabalibag ng pinto. Sasakay ng kotse. Papara ng taksi, ng jeep, ng pedicab. Natatakot siguro sa katotohanang di niya kayang ipagtanggol ang sarili sa verbal joust kapag babae ang kalaban.
Sa mga ganitong panahon, namamanglaw ang aking pagiging spelling star nung elementary. Ang hirap kasi talagang ispelengin nito: kelalaks. Kayo nga, try n’yo!
September 29th, 2006 at 2:31 am
spelling star??
ahahahahahah
September 30th, 2006 at 9:44 pm
Si EJ talaga, sumbungero. hahaha.
Wala naman akong nakitang hindi maganda sa ginawa ng jowa mo. baka gusto lang niyang magpalipas muna ng sama ng loob bago makipag-usap.
Ako kasi, pag masama ang loob ko, tapos may confrontation scene, hindi ko kayang i-compose ang sarili ko. Ang hirap mag-isip nang maayos. Kung anu-ano sinasabi ko. Talo talaga. Kaya mas mabuti sigurong magmuni-muni muna bago makipag-usap.
October 1st, 2006 at 4:16 am
Ang lalaki raw, parang Oso, pag pumasok na sa kuweba niya, enter at your own risk.
Ang lalaki (gaya ko) pag may problema, tumitigil, tumatahimik, nag-iisip, at ayaw muna makipag-usap. Pag resolved na nya, saka na makikipag-usap.
Ang babae, maghahanap agad ng kausap.
Always,
duktor luv