Archive for September, 2006

ako, ako, ang walang maliw na ako

Wednesday, September 27th, 2006

1.If you die tomorrow to whom would you leave
everything you own?

kay eris para itago niya for ej

2.Who is the one person that you could stand
spending a straight 24 hours with and
not get the slightest bit annoyed with? Eris

3. What if you woke up tomorrow and you were
someone else completely, who would you be?
pres of the phils (baguhin ko sistema)

4.If you could change one thing about yourself,
what would you change (personality or looks)?
personality—gusto ko  maging pa-girl na talaga

sawa na akong maging parang walang kasarian

5.If you could be a member of any band that has
ever existed, what band would that be?
eraserheads saan pa?

6. milk chocolate or dark chocolate?
milk chocolate
7.waffles or pancakes?
pancakes

8. chocolate or vanilla?
~ chocolate
9.eminem-please stand up or please shut up?
please stand up lahat ng tao may karapatang tumayo sa sariling paa (hahaha)

10.If you could be in any movie as the lead role
what movie would it be?
johnny english

11.If you could design your perfect mate what
would he/she look like and be like?
intelligent looking. Dark skinned. Mas matangkad sa akin, mga 5’7

kahit anong hairstyle basta walang gel ang buhok, intense kung tumingin, broad shoulders saka maganda ang chest tipong may mahihipo akong muscle, confident looking pag nakatayo at naglalakad, ayoko yung yuyuko-yuko, ang porma, laging nakaputing polong may matigas na kuwelyo saka khaki na pants. (in short parang pina-itim na Sir Leo Zafra hihihi)

13.fallen in front of someone you thought to be
quite good looking? Di pa nangyari
14.gone skinny-dipping?
ano to? Sori naku wala sa bokabularyo ko

15.gotten in a car wreck where you are the driver?
dehins pa. wala akong kotse di rin marunong magdrive

16.started laughing really hard so you just spit out
what you had in your mouth cause you
couldn’t swallow?oo

17.swallow a bug?
lamok hahaha

18.If you won the lottery what would you do with
your, let’s say, 18 million dollars?

Bibigyan ko ng pera mama ko. Mag-oorganize ako ng nationalistic livelihood trainings para sa mga mahihirap, ipare-revise ko ang mga elem at hi school books, ipapatrain ko ang mga history teacher natin, tutulong ako sa mga alternative learning classes, mamumudmod ng pills at condom at family planning kits
19.get five piercings or five tattoos?
~ five piercings

20. be stranded on an island with a clueless hottie
or someone gross with survival training?
someone gross with survival training
21.have wheels instead of legs or wings instead of
arms?
wings aanhin pa ang wheels kung me wings?

22.change your past or know your future?
~ change my past

23.be normal and ignored or brilliant and disliked?
normal and ignored

24.have a boy/girl friend or a sweet car?
anong sweet car? Weird naman

25.Yummy food you make?
naku wala

26.Is nipples a very funny word?
hindi a what’s so funny about a baody part’s name?

27. wanna go to

Northwestern

 

University

?
san to?
28.if you had to go live in borneo for the rest of your
life and you could take one
person on this earth,who would you take?
ej

29. Would your bf/gf be a smoker?
he is one.

getting to know each other a little too well

Wednesday, September 27th, 2006

1. First name?

beverly

2. Were you named after anyone? A place…

beverly

hills sa

US

. Kapatid ko,

columbia

naman. Tatay ko maka-kano e.

3. Do you wish on stars? oo

4. When did you last cry? Hahaha nung weekend ka-chat ko joji. Told him things that make me worry

5. Do you like your handwriting? no

6. What is your favorite lunch meal? Kanin saka sinigang na baboy yung maasim na maasim

7. When is your birth date? > dec 10, 1979

8. What is your most embarrassing moment? Nautot ako. Ang lakas! e ang katabi ko makakasama ko sa isang writers workshop ng dalawang linggo. Putcha.

10. Do you have a journal? Oo. Isa sa computer, isa, notebook.

11. Do you use sarcasm a lot? Oo. Strength ko yata to. Nagagawa ko pang katatawa.

12. What are your nicknames? Bebang (friends ko),bang (best friend ko) bebs (pamilya)

14. Do you untie your shoes when you take them off? no

15. Do you think that you are strong? Nagi-istrong-istrongan

16. What is your favorite ice cream flavor? cookies and cream!!!! Kahit sa zagu yum yum

17. Shoe size? 8

18. Red or pink? Pink. Mula nang mamatay ang erpats ko, iniwasan ko na ang magpula.

19. What is your least favorite thing about yourself? Pag nagagalit, naninigaw anytime, anywhere, kahit sinong kaharap

20. What do you miss most? Kumain ng chips habang nagbabasa buong araw mag-isa sa bahay

21 Do you want everyone you send this to, to send it back? Kinopya ko lang to pano yan?

22. What color pants and shoes are you wearing now? Wala akong shoes at hindi ako nakapants

23. Are you listening to your favorite music right now? > no

24. What was the last thing you ate? French fries KFC

25. If you were a crayon, what color would you be? Sunflower yellow

26. What is the weather like right now? rainy

27. Last person you talked to on the phone? Abi ng ccci

28. The first thing you notice about the opposite sex? Tahimik kesa sa girls

29. Do you like the person who sent this to you? Kinopya ko nga lang to pano yan?

30. Favorite Drink? Buko juice

31. Favorite Sport? Pwde ba scrabble? Takbo as in sprint

32. Favorite Colors? Light blue parang langit, yellow,

33. Eye Color? > black

34. Do you wear contacts? > no

35. Favorite Food? Sinigang, mr. chips, cream-o, singkamas, pipinong babad sa sukang me paminta, asin at asukal yum yum

36. Last Movie You Watched? A day (korean film re: childless couple)

38. Scary Movies or Happy Endings? happy endings

39. Summer or winter? > summer

40. Hugs OR Kisses? > hugs lots of them

41. What Is Your Favorite Dessert? Kahit anong prutas

44. What Books Are You Reading? poetry books, ani, fil lit (dahil sa MA putcha)

45. What’s On Your Mouse Pad? Bundok tapos sa harap river

46. What Did You Watch Last night on TV? Di ako nanood ng TV kagabi

47. Favorite Scents?

Cologne

ng baby

48. Favorite Sounds? Instrumental piano

49. Rolling Stones or Beatles? > beatles

50. What’s the farthest you’ve been from home? Bukidnon,

davao

Spell Spelling

Wednesday, September 27th, 2006

Nung nasa elementary ako, ang husay ko sa spelling. Ang pinaka di ko malilimutang eksenang me kinalaman sa spelling e nung nagquiz kami at natalo ko ng isang point si mark, ang kaklase kong tinuturing na pinakamahusay sa spelling at sa english. (pero hikain, sakitin at may sakit na K as in katamaran (nagpapaclinic para di magklase) kaya di nakaka-top ten).

18/20 ako. si mark, 17/20. Nyehehehe!

Pero actually di yan ang dahilan kung bakit naisip kong talakayin ang spelling ngayon. eto: alam n’yo ba na ang pinakamahirap ispelengin sa lahat e, lalaki? Well, actually babae at lalaki. So gender-based ito, pipol. Kung babae ka, pinakamahirap ispelengin para sayo e, lalaki. Kung lalaki ka, pinakamahirap ispelengin para sa’yo, babae. Kahit ipagtanong n’yo pa. Proven ‘yan.

So… oo. Me krisis sa puso itong si bebang.

Naknampusonggala naman kasi.

Kahapon, nasa Subic, ang jowa ko. Nung Friday pa siya ‘andon. So nagtetext kami mga once a day (wala kasi ako load. Meron akong load pero obligado akong gamitin sa event ni sir roger mangahas dahil binayaran niya iyon. Honest akong tao, bah…) pero nagchat kami nang mga dalawang araw nun ngang out of town siya. the usual, miss na miss niya na ako. kamusta? Ano gawa mo? kind of conversation.

Kagabi nga pauwi na siya, tapos tinext niya ako. Mahal, pauwi na ako. love you. (Yak ang mais namin ‘no? hahaha) E, nasa SM kami nun ni EJ, bumili ng kurtina (na noong isinabit ko na rito sa sala e, nagmukhang kubeta ang sala. Pangbathroom curtain pala ang dating shengot talaga ako), punda ng throw pillows (kasi isang dekada na ang mga punda rito), bagong bag ni EJ (na kamukha ng bag kong itim pero ayaw niyang gamitin, gusto lang yata talaga gumastos ang ina niya), toilet bowl cover (para maiwasan nang masayangan ng sabon, minsan lumilipad ang sabon at nahuhulog sa nakangangang toilet bowl) at kung ano-ano pa.

Pagbasa ko ng message ni jowa, wala naman akong masyadong reaction. Lagi naman siyang nagtetext nang ganun pag pauwi na. Tinayp ko: ingat ka. tapos send. (tapos na ang event ni sir roger so bumili na rin ako ng trentang load, cheap, pare!) Tapos continuation ng pamimili. Walang reply. Ayos lang.

Pagkatapos mamili, nagpunta kami ng Conspiracy ni EJ. Launch ng ani at gusto ko sanang magperform para magkalibreng kopya ng Ani. Pagdating dun, jampacked yung lugar. Happy naman ang atmosphere. Daming sikat na manunulat, musikero, pintor etc. pinakain ko si EJ ng dinner. Ako, nagsan mig light (naalala ko tuloy ang kaibigan kong si Mitch na laging umoorder ng san mig lights. Laging me S kahit isang bote lang ang inoorder niya. tapos magyayaya, buttons up! Ibig sabihin, tungga!). nakadalawa akong san mig light sa conspi. Ayos. Nahilo ako at medyo nagkatama. Tapos tinatawag na ako ni EJ na lasing. Umuwi kaming naka-taxi. Isang beses sa tatlong taon ako magtaxi so me tama talaga ako that night.

Kanina, nagkita kami: EJ, ako, jowa at driver ni jowa. Kumain kami sa KFC. Tapos sinumbong ako ni EJ.

EJ: si Mama, lasing kagabi!

Nag-iba ang expression sa mukha ni jowa. Kumbaga sa toilet bowl, kung kanina walang laman, e bigla-bigla, nagkalaman. At ang sama ng laman. Not ur usual laman.

Patay, sa isip-isip ko. Tapos minumura ko ang sarili ko ba’t kasi binuhay ko pa si EJ. Sana pinindot ko na lang ang ilong niya nung baby pa siya. Sana binalot ko na lang ng diaper ang mukha niya nung baby pa siya, para ma-suffocate. sana iniwan ko na lang sa mall nung siya ay toddler pa.sana …sana…

Biglang hirit ni jowa, kaya pala ganun ang text mo.

Ano yon? tanong ko. Nakalimutan ko talaga kung ano ang tinext ko. Nag-alala ako. baka nung lasing ako, tinext ko siya ng YOU’RE NOTHING BUT A SECOND RATE TRYING HARD PUSSY CAT. o di kaya ng, LIFE IS LIKE A BOX OF CHOCOLATES, YOU’LL NEVER KNOW WHAT YOU’RE GONE AGAIN.

Ingat ka, sabi ni jowa.

Tapos natawa ako. O, kako, bakit? Anong masama roon?

A, wala palang masama roon?

Ano nga? Dito ko sinusumpa ang sarili ko, sa ganitong instances. Kasi pag kinakabahan ako, napapangiti ako. so mukha tuloy hindi ako nag-aalala. Mukha tuloy nagbibiro pa ako or nagtatanga-tangahan. Basta, mukhang hindi seryoso.

Sabi niya, ang cold-cold.

Napa-Aaa… ako. tapos kumawala ang pagkaluwang-luwang kong ngiti. Actually, gusto ko nang humalakhak sa point na ‘yon. Ang lalaking ito, nagtatampo na parang teenager, samantalang ang edad e, kandidato na (isang alikabok na lang ang di pumipirma) sa home for the aged! Grabe talaga. Yan. yan ang pruweba ko na ang mga lalaki ang hirap ispelengin. Susme, sa point na ito dapat kabisado ko na’t ilang taon ko na rin siyang karelasyon, ano? but no, gosh like a box of chocolate, my dear friends, unpredictable!

Pumormal ako. sumeryoso at nagsabi ng SORRY. Tapos humugot ako ng hininga. Pinigil ko. Tapos nagdasal ako nang mataimtim na sana…sana ‘wag akong mapangiti. Sana manatili ang seryoso kong mukha. Pumikit pa ako hindi dahil ayokong makita ang mukha niya kundi nagdasal ako hindi lang kay god kundi sa mga santong naaalala kong itinuro ng grade 3 teacher ko. Sta. cecilia, st. anthony, sta. clara, santa ana, santa cruz, santa claus. Pati sa mga babaeng banal, mama mary, nuestra senora de guia…

Kumain kami nang marami sa KFC tapos hinatid na niya kami ni EJ pauwi. pagdating sa bahay, nag-usap kami sa may sala (with the bathroom look) tapos inungkat niya uli ang pagkalasing ko kagabi. Mega katwiran ako: kelan ba ako huling uminom? last year yata, a! treat ko lang sa sarili ko to!

Tapos mega katwiran din siya, ako ba kelan huling uminom? blah blah tapos bigla niyang sinabi, sige, sige bukas na lang natin to pag-usapan. Sabi ko ngayon na. tapos tumayo siya at nagbabay kay Ej at lumabas ng pinto. Parang nang-aasar pa na nagbabay sa akin na may screen na nakapagitan sa amin. Feeling niya hahabulin ko siya. Nguso niya!

lumabas siya ng gate namin nang mag-isa.

Aaaaa…….kainis. bad trip talaga. Ba’t ba ang mga lalaki me ganyang ugali? Ayaw nang head on collision. Bigla na lang tatalikod. Maglalakad palayo. Aalis. Tatakbo. Magbabalibag ng pinto. Sasakay ng kotse. Papara ng taksi, ng jeep, ng pedicab. Natatakot siguro sa katotohanang di niya kayang ipagtanggol ang sarili sa verbal joust kapag babae ang kalaban.

Sa mga ganitong panahon, namamanglaw ang aking pagiging spelling star nung elementary. Ang hirap kasi talagang ispelengin nito: kelalaks. Kayo nga, try n’yo!

young poets from zambales

Wednesday, September 13th, 2006

Now, it’s an understatement to say that I’m showing off but I’m really REALLY proud to present the poems written during the literary arts fest by the young Filipino poets of Sta. Cruz, Zambales.

(shocks, tama ba ang Ingles ko? mga kaibigan kong may concern pa sa huling hibla ng english grammar na nakakapit sa aking katinuan, pakicheck naman at pakisabi sa akin kung tama nga o mali!)

DIONA

Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

(I asked the students to write a diona about any Zambales product.)

Ang butil na kaysarap,

Parang gintong kumislap,

Katapat nito’y ulap.

-Darlene Mayo

O, manggang sakdal tamis,

Lipos ka ng pag-ibig

Ng bayan ng Zambales.

-Analyn Alegonza

Hugis-puso na prutas

Ang naghandog ng galak

Kay Mariang masipag.

-Rachel Ebuenga

Ako ang ibigin mo.

Tawag sa aki’y tubo.

Tamis ang handog sa ’yo.

-Jayson Merced

Mangga ng Zambaleña,

Tikman mo’t may halina

Ang tamis ng pagsinta.

-Debbie Villanueva

Balat na kulay-dilaw,

Kulay-berde pag hilaw,

Panlasa’y mapupukaw!

-Mary Cathlyn Orgen

Ang mangga dito sa ‘min:

Marami, nakabitin

At masarap kainin!

-Julie Anne Villanueva

Ang mangga ng Zambales,

Walang makatitiis

Dahil napakatamis.

-Kim Aquino

TANAGA

Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.

(I asked the students to write a tanaga about love for country.)

Sa gubat na madawag,

Tala’y mababanaag.

Iyon ang tanging hangad,

Buhay ma’y igagawad.

-Bannie Pearl Mas

Tumayo ka nang tuwid,

Ang kamay ay sa dibdib.

Awitin, ating himig

Nang totoo sa tinig.

-Romualdo Verzosa, Jr.

Sa Muli Nating Pagkikita

Noong malayo ako,

Nasa kabilang dako,

Itong puso’t isip ko,

Bayan, para lang sa ’yo.

-Rachel Muyano

DALIT

Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

(No theme for dalit-writing exercise.)

Tindi ni Amang

Nag-aral siyang pilit

Nang karangala’y makamit.

Buong buhay s’yang nagtiis.

Makapagtapos ang nais.

Ang pera niya’y tinipid,

Sa guro  ay di sumipsip.

Markang mataas, nakamit:

Tagumpay nga ang kapalit.

-Zoren Mercurio

MALAYANG TALUDTURAN

(I asked the students to write a poem using words that they gave me when I was lecturing about rules in Tagalog poetry rhyme scheme.)

Bata pa lamang siya nang landas niya’y lumihis.

Pumunta siya sa kung saan ang pook ay liblib

Ngunit ang saya’y napalitan ng ligalig.

Napagtanto niyang siya’y gipit na gipit.

Damit niya lamang ang kanyang kipkip,

Maging ang bulsa niya’y sadyang said.

Doon

niya nalamang sa paglalayas pala’y pera ang salik.

-Bannie Pearl Mas

Pighati

Bakit sa biyaya, tila ako’y salat?

Mga problema’y tila apoy na naglalagablab.

Puro kabiguan ay siyang namalas.

Buhay ko ngayo’y saan sasadsad?

Para

itong nalugmok sa mataas na pagkalaglag.

Sana’y matikman ang matamis na halakhak

Kahit puso’y tila nilaplap.

-Mary Grace Menor

Kawawang Magsasaka

May isang magsasakang sinamsam ang lupa niyang sakahan.

Sa kalooban niya, daig pa ang nasupalpal.

Kaya’t sa kanyang pagkaasar,

          di na napigil ang kanyang galaw.

Wala siyang nagawa kundi gumapang

         at naisip na lang: magpatiwakal sa tulay.

-MC Kenneth Abella

problema sa schedule

Thursday, September 7th, 2006

may konti akong problema sa utak. ewan ko kung bakit ganito. kasi isang linggo na akong nagka-cram. hindi ko nga pinapansin si ej, ni hindi na kami kumakain sa oras, kaladkad ko siya sa maalikabok na library, babad ako sa internet kakaresearch.

para saan?

sa report ko nung tuesday at report ko tom, friday.

tapos natuklasan ko di pala ako ang reporter nung tuesday. yung isa ko palang kaklase. kung me oras pa kami, kako, magrereport na lang ako para di sayang ang effort ko (pero umiiling ang utak ko, di ko p kc masyadong maintindihan yung dissertation na irereport ko). naknaman ng kidlat, nagbrown out! so maaga kaming na-dismiss!

kanina, nagkukumahog na ako sa pagtahi ng mga sasabihin para sa report ko bukas. tapos narealize ko, basta bigla ko na lang narealize na sept 15 pa pala ang report ko. ba’t ganun? ba’t ganun ang isip ko? e samantalang last week ko pa iniisip na ako na, ako na ang magrereport sa klase. nung tinanong pa ni sir bomen kung sino na ang next reporter, sabi ko, ako na sir!

tsk…weird. me problema yata ako sa mata. o me problema ako sa oras. o me problema ako period. so isang linggo akong na-rattle. pati si ej kanyo. tapos yun pala, hindi ko kailangan ma-rattle. argh… saksakin ko kaya utak ko? tsak tsak tsak

grrr…..

di bale pag natapos ko ang report ko bukas, bukas na lang din. i mean sasalang na ako. dadalhin ko ang TV ko at DVD player sa school kasi ipaparinig ko sa kanila ang cd ng tambisan sa sining at ipapanood ko ang isang MTV na gawa nila. yun ang report ko, mga awit ng manggagawa.

good luck, ms. absent-minded!

litlle palpakinensis sa umpil event

Thursday, September 7th, 2006

noong aug.26, ginanap ang dalawang event ng umpil sa intellectual property office sa makati:

1. forum tungkol sa intellectual property rights

2. gawad balagtas

masaya naman kami, ang buong board of directors ng umpil, dahil nairaos ito nang maayos. 140+ ang attendees namin: estudyante, writers na bata’t matanda, columnists sa major newspapers at tabloids, etc. pero me mga konting kapalpakan na nangyari. eto:

a. nung 7:40 ng umaga, pagdating na pagdating namin nina sir vim, hinanap niya ang streamer ng umpil. walang nakakaalam sa mga tao run. tinext namin si sir bobby. alang reply. pagdating niya after 30 mins. ayun pala, ang streamer nakakabit sa parking lot. nye. sabi ni sir vim, mas maraming dadaan sa harap sa buendia kesa sa Jupiter. ipinalipat ang streamer sa harap. ayun nga, andami palang nagtext sa akin kasi naliligaw sa kahabaan ng buendia. siyempre, nalaman ko na lang nung andun na sila sa venue. super busy kami sa registration ni hindi ako nakasulyap sa cel ko.

2. nang mabasa namin ang ginawang program ng IPO staff, na-shock kami nang makitang si Mam Karina, instead na si Doc Mic ang nakalagay dun.e, andun na si Doc Mic.kakahiya! so ni-liquid paper ko lahat yun. mga 150 na kopya.inabot ako ng 10am sa kakaganun.

3. nung may nagtatanong na tungkol sa membership, saka lang naalala ni sir vim  ang application forms. kaya ayun, pinangakuan na lang na bibigyan ng soft copy thru email ang mga bagong umpil member.

4. nung nakasalang na ang unang speaker sa forum, saka lang me kumalabit sa akin at nagsabing "pwde ka bang bumili ng pambalot nito?" sabay nguso sa dalawang red wine. nyeee.napamulagat ako. ang token namin, walang balot. e di kelangan presentable? nagjet ako pa-landmark at binulabog ko ang native products section para bumili ng bayong. binulabog ko rin ang gift wrapping section dahil naghanap ako ng magandang ribbon.tapos jet uli pabalik ng ipo office.umuusok pa ang tumbong ko nang iabot ko ang finely wrapped bottles of red wine with the widest smile.

pagsapit ng lunch, lamunan na siyempre. nauna nga ako nang konti kasi alam kong maraming pupunta sa reg after ng forum.pero wa epek. lumalapa pa ako ng karne nang matapos ang forum so no choice. paspas na.

5. halos 2pm na nagstart ang gawad balagtas. hinintay pa kasi ang ibang awardee. particular na si dr. michael tan. maaga pa lang tinext ko na siya. alang reply. tapos tinawagan ko na. out of reach. nung nagstart na uli ang program, tinawagan ko uli. nagring naman. tapos tinext ko siya at nagreply siya! sabi: sorry. hindi ako makakarating. ayan talaga ang sinabi niya. walang labis, walang kulang. walang explanation chuva. sabi ng isa kong kakilala, "biglang naglaho ang mataas na pagtingin ko sa kanya." drama. ‘kala mo siya ang nag-imbita. so walang michael tan. siyanga pala, wala ring luis cabalquinto. ito nama’y nasa ibayong dagat, patawarin na natin ang mga uban niya.

6. dumating si sir vim at tinatanong sa akin ang mga lei na gawa sa sampaguita at nkatakdang ipangwewelcome sa mga awardees. naalarma ako. shemayshet. nasa ref pa yun. ipinaref namin kasi nga hapon pa ito gagamitin, e umaga kami dumating. kaya ayun, basang basa ang mga lei. hahaha ginamit namin ang tela ng caterer para tuyuin ang bawat lei. mababasa ang mga barong ng awardee pag sinabit iyon agad. baka magwet look sila at ma-rated R pa kami!

7. nagsasalita na si gilda cordero fernando nang may makaalala, "anong token para sa kanya?" nyaaah WALA. AS IN WALA. dahil wala ni isa sa amin ang nakaalalang kelangan siyang bigyan ng token. kumuha ako ng pera sa sobreng ibinilin sa akin ni mam becky, ang treasurer ng umpil. at lumabas ako ng building. masyadong late akong makakabalik kung pupunta pa ako ng landmark. tawid ako ng kalsada at nakakita ako ng tumpok ng high end na shops. oki na to kako. at dun sa more than bamboo isang specialty store, nakakita ako ng brilyantitos studded at gold plated na bookmark. saksakan ng mahal pero hello, si gcf naman yun? ang ganda nito kasi di karaniwan ang shape. di ko nga akalain bookmark e. nakaipit yung hugis-kalawit sa isang notebook na ga-dangkal ang laki pero P500 ang isa tapos nakalawit ang korteng ladybug na tadtad nga ng brilyantitos. ayun ang ganda! naihabol ko ito kay mam gcf during the program. wheeeeeew!

8. noong awarding proper na, nye nagkagulo ang mga usher namin na pawang lira fellows. kasi hindi alam kung sino ang sasabitan nino. so emergency meeting kami sa labas. o ikaw, lalaki, ke dr. carpio ka. o ikaw, girlie, kay Dr. hornedo ka. e yung rep ni luis cabalquinto, sasabitan ba namin? sabi ni mam karina, wag daw kasi hindi naman siya yung pinararangalan. oo nga naman. and the lei goes to the wooden trophy!!!!

ayan. ayan lang naman ang mga munti naming kapalpakan. hay. di yata talaga ito maiiwasan! hahaha pero umuwi kaming lahat na me ngiting nagsasabing i’ve accomplished a lot today. congratulations to me.

amen.

papel ng paper

Monday, September 4th, 2006

me report ako mamyang 5pm tungkol sa ang pagkataong tagalog/pilipino ayon sa mga akda ni balagtas at diksyunaryo ni serrano laktaw. It’s 9am at hindi ko pa ito naisusulat. I-good luck n’yo na lang ako. wahahaha asan ang katarungan, ano? ang hirap hirap ng buhay tapos eto ako, nagpapahayag pa ng hirap sa isang report lang. hay, wala. Gusto ko lang sabihin ang klase ng torture I’m about to experience in the next few hours. Ngayon ko lang naiisip, ba’t naman kasi kelangan ko pang magmasteral. Hindi ba puwedeng mastur….na lang? hahahaha ang bastos! umpisahan ko na nga ‘to.