Archive for August, 2006

Hapi-hapi sa Sta. Cruz, Zambales at Sagrada Familia Caves

Saturday, August 26th, 2006

Para naman ma-reward-an ang aming sarili sa katakot-takot na pressure na naganap sa nakaraang mga linggo, napagdesisyunan naming maghapi-hapi.

Videoke tayo!!!

Sabi ni Kuya Paul, sa isang restaurant na mga 20 na hakbang lang mula sa ancestral

house, may videoke. Kaya that night naghanda kaming lahat. Voice modulation, stage presence and all. Pagdating namin dun, naknampotsa, sarado! Napadpad kami sa di-kalayuang videoke na that time e kaharian ng ilang lalaking teenager na bumibirit nang mga hindi ko masabayang mga kanta (ang tanda ko na kasi).

Actually, hindi siya videoke. Para siyang tindahang may videoke machine. 8pm kami dumating dun. naghintay kaming matapos ang mga bagets saka kami bumirit-birit. Todo-todo si weni kahit paos na. si mar, pa-boys to men ang dating, si rita, ang galing, parang dalagang pilipina ang boses, si jing di yata masyado kumanta. Ako, nagpapa-sexy pa nung una kasi til they take my heart away ang kanta. E nung mataas na di ko na kaya, winasak ko na ang buong kanta. Tutal matagal nang wasak ang mga ear drum ng mga kasama ko sa kakapakinig sa kanya-kanyang boses bwaaahahahaha. Si Kuya Paul, e kumanta ng Ikaw pa rin ni Ted ito. remember that song? Yung may translation sa japanese…ikaw pa rin ang iniibig koooho….

Nagkakasarapan na nung tinanong namin anong oras po kayo nagsasara? 9 sabi nung ale. Huwaaaaaaat? Josme, e , sa Maynila, sineservan pa lang ang unang customer ng videoke by that time. Dito, uwian na? wow, time space warp ngayon din.

Nakakapanibago talaga sa probinsiya. Especially sa Sta. Cruz, Zambales. Tinanong ko nga si Kuya Ken. Bakit po parang walang beerhouse dito? or gimikan? Sabi niya, ayaw ni mayor dito sa bayan. Andun ang mga beerhouse, sa labas ng bayan. Malapit sa sementeryo. Ngiiiiiiiiiiii…oka tokat gumimik.

Natuldukan ang aming mga gabi by 9pm. Kuwentuhan na lang pagdating sa bahay.

Sunday AM. Nagpasama kami kay Kuya Paul sa Sagrada Familia Caves. Kaya lang pinigilan kami ni Mayor. Madulas daw dun ngayon dahil ulan nang ulan. Saka lahat daw ng maaaring sumama sa amin doon bilang guide e hindi puwede (hindi taga-dun si Kuya Paul kaya kailangan pa rin ng guide). Ang usapan, 6am kami punta run. 8am, nagising ang mga utaw. Pero finally at 10am pinayagan na kami ni Mayor dahil out of the blue, me dumating na lalaki. Me kelangan kay Mayor. siya rin pala ang brgy. kaptain ng lugar kung nasaan ang Sagrada Familia caves. Hapi! Larga na kami in 3 tricycles.

Pagdating dun, 600 steps daw ang kelangan namin akyatin. Kaya raw ba namin? Gusto sana naming ipagyabang ang pinagdaanan sa Mt.  Ampacao pero zip na lang ang aming mouths.

Madali ang pag-akyat. Unang stop ay viewing deck. Wheeew….kita ang buong bayan ng Sta. Cruz. Ang ganda. Para  kang Diyos sa puwestong iyon tapos ine-examine mo ang creation mo. Tapos malapit-lapit ka pa sa ulap. Parang biko ang mga lupa, nahahati ng mga pilapil.  Akyat kami uli. Pagdating sa taas, ang dami na naming nakitang kuweba. Isa dun, sa entrance niya, me malalaking bato na parang bolang pinagpatong-patong. Sa tuktok , isang bilog na inukitan ng mukha. Mukha tuloy buddha ang rock formation. Malapit naman sa entrance ng cave, hugis-titi na bato. Napansin agad ni Mar (aha, green minded kasi), phallic symbol o! Nakakita rin kami ng ugat ng puno na parang ahas, nililingkis ang matayog na bato.

Bago pumasok ng cave, nagtanong si Brgy. Kaptain Danilo Merced, me dala kayong flashlight? Tinginan kami. WALA!!! Buti na lang me dalang lighter na me ilaw itong si Rita. Blue nga lang ang ilaw. So nakita naman namin, sa tulong nito, ang mga sikreto ng kuweba. Bluish nga lang ang realidad sa loob. May altar na pinagpapatungan ng pamilya ni Jesus. Dagsa raw ang bumibisita dun pag Holy Week. Sa gilid ng altar, me rock formation na parang banaue rice terraces cutie version. Nakakita na rin ako ng ganun sa sumaging cave sa sagada.

Yung mga gilid ng kuweba, pag natatamaan ng ilaw, kumikislap. parang diamond. Maraming marami at maliliit na diamond. Sa pinakaloob, may isang pabilog na parang kuwarto. Tinitirhan naman ng mga paniki ang kisame. Sayang at na-low bat ang camera ni wenie. Lumipat kami sa isang kuwebang malaki ang bunganga. Dun nakita namin ang rock formation na nakakatuwa. Ito ang mga interpretation na lumabas:

—Parang mga puwit ng elepante

—Parang pugita

—Parang ulo ng kalaban ni Johnny Depp sa Pirates of the Caribbean (pugita nga)—parang matatabang noodles na nagkadagan-dagan sa isa’t isa

Isa pang cave ang inexplore namin kung san nakapulot ng flashlight si Kap (ambait talaga ng God, ano?). Mas malaki ang kuwebang ito kesa sa unang dalawa at me balon pa raw sa dulo. Ayaw na kaming palapitin dun sa dulo dahil madulas. Baka tumuloy-tuloy kami at masalo ni Sadako. Inaaay!

Malapit sa bukana ng cave ay isa pang altar. Mas malapad ito at may krus na puti. Butas din ang pinakabubong nito so parang inuulan ng liwanag ang altar na iyon. Ang ganda!

Sa cave na yun, me rock formation na parang malambot na kurtina sa stage ang shape. Mataas ito. ang ganda-ganda rin. Takot na takot si ej  sa kuwebang iyon dahil super dilim. Nakakatakot nga. Pero actually mas nakakatakot sa sumaging kasi palalim iyon. Ito nama’y flat. Puwedeng tirhan ganun. Madilim lang. curious na curious ako sa mga butas na maliliit. Gusto ko sanang pasukin kaya lang mag-isa ako? no way! Meron ding parang maliit na lagusan sa kanan ng altar. Sabi ni Kap, ang ganda diyan pag napasok nyo. Sobra! Sabi namin, tara  ho! Ay hindi. Hindi puwede. Delikado diyan ngayon, madulas. sagutin ko pa kayo kay Mayor. Napangiwi kami sa dismaya. E, ba’t pa kaya sinabi? Kotongan ko to e, sa isip-isip ko!

Masaya kaming lahat lalo na nung pababa dahil walang wala sa hirap na naengkuwentro namin sa sumaging at ampakaw ang adventure namin sa Sta. Cruz. Me maliliit na aksidente like si weni, sumabit ang buhok sa mga sanga ng isang puno, hindi namin namalayan. Ang layo na namin sa kanya nung lumingon kami. Dinidis-entangle ni Kap at ng isang kagawad ang buhok niya. so after that, parang sinabunutan si Weni. At si jing, nakatapak ng ginto wahahaha! Pero sulit pa rin dahil maganda rin ang mga rock formation doon.

Kaya ‘yong mga adik diyan, eto ang mga batong dapat n’yong kahumalingan. SAGRADA FAMILIA CAVES.  Ibang klaseng high pa ang mararanasan! (ok na tourism slogan ‘to a hahaha)

tagumpay ng Mayor Marty Lit Arts Fest!

Saturday, August 26th, 2006

Tagumpay ang 1st Mayor Luisito Marty Literary Arts Fest! Congratulations sa lahat ng aming participants, sa mga teacher/adviser nila, kay Mayor Marty at siyempre sa kapwa ko mga facilitator: Weni, Jing, Mar at Rita. Bagama’t maraming little kapalpakan na nangyari mula pa lang sa pagsakay namin ng bus papuntang Sta. Cruz, Zambales hanggang sa isang group presentation na nag-overtime ay nairaos pa rin nang maayos ang aming arts fest.

Bayaan n’yong ikuwento ko ang ibang mga nangyari.

Gabi ng Biyernes, pagkatapos ng MA class namin ni Weni, pinaxerox namin ang mga certifcates ng participant sa Philcoa. Gumastos pa ako sa pagpapaprint nito at ang papel na ginamit ay special. Kumpleto ang certificates: participants, awardees at facilitators. Tapos umuwi kami ng bahay ko para mag-empake. Pagdating dun, naghihintay na si Rita. Ipinakita niya ang mga cover ng magiging literary folio ng mga participant. Ang ganda! Me picture pa naming lahat sa back cover. Pinagsama ang certificates at covers. Tapos tumawag ako ng taxi at kami ay lumarga papuntang terminal. Pagdating sa terminal, 11pm pa lang (12midnight ang last trip pa-Sta. Cruz), puno na ang mga bus. Dahil naranasan na naming maubusan ng upuan last time at tumayo nang ilang oras hanggang sa me bumabang pasahero, naghanap ako ng ibang masasakyan. Me van sa labas ng terminal kaso P5000 ang singil. Nye. Kahit ibenta ko ang puri ko, hindi aabot dun ang pera namin. Pagbalik ko sa mismong terminal, me mahabang pila sa cashier at nakapila dun ang mga kasama ko. Magpapabiyahe raw ng extrang bus pa-Sta. Cruz. Yipee!!!! Solb!

Sabado, 5am kami nakarating sa Marty ancestral house. Nakatulog kami till 7:30am. E, lima kami plus EJ, e, di anim? Versus one kubeta slash paliguan! Waaah alas-nuwebe kami nakarating ng venue! pagdating dun, agad na hinati namin sa 5 groups ang mga bata. Marami rin ang late dumating dahil bumabagyo yata nung time na yun. Nagclose-open pa nga ang mga flourescent lamps dun sa venue nung tanghali. Tapos workshop na umaatikabo. Wala nang break-break. Ke lunch time, tuloy pa rin sa pagkatay ng mga akda. Kulang na kulang kami sa oras. Ang nangyari, lahat ng group may na-miss na workshop sa at least isang genre. Hindi na nagkaroon ng time ang mga bata na irevise ang kanilang akda. Pinagkokokolekta na namin ang mga iyon at nagmeeting kaming facilitators hanggang mga 10pm (ako, logtu na, sila nagpatuloy pa) para piliin ang mga akdang ipapasok sa folio. Ang napagkasunduan: bawat isang bata, isang akda. So mga 50 akda ang laman ng folio. Halimbawa, maganda ang tula niya pero hindi maganda ang kuwento niya, iyong tula lang ang mapapasama sa folio. Kung parehong maganda, pipili ang mga facilitator kung saan mas magaling na genre ang bata. E, ang problema, me mga batang tansan lang yata ang ipinangsahod nang magpaulan ang diyos ng talent sa creative writing. Ay hindi tansan, baka contact lens. Ayun.

Since, mahahaba ang ibang genre (creative non-fiction, fiction, children’s fiction at dula), pinilit (nakow, katakot-takot na kumbinsihan ang nangyari, ‘kala n’yo dahil talaga ring ayaw kong ipasa ang mga tula ng ibang bata) akong iyong tula na lang nung mga sawimpalad na batang iyon ang ilagay. Iilan lang naman ito. Nung gabi, Mayor, kako, gusto n’yo na po bang pirmahan ang mga sertipiko? Sabi niya, o sige. Teka ho, sagot ko, kukunin ko. Tapos pumasok ako ng kuwarto namin, binuksan ang bag at nagdudumilat sa gulat, WALA ROON ANG MGA SERTIPIKO AT COVER NG FOLIO! Paktay! Naiwang nakahimlay sa mesa ng bahay ko! Pinakasumpa-sumpa ko ang aking memory. Putsa. Ang palpak talaga!!!

Lumabas ang iba’t ibang suggestion:

-tumawag ka sa isang kaibigan para kunin yon at ipadala sa bus sa victory terminal.

-umuwi ang isa sa amin, kunin ang naiwan at bumalik din agad sa sta. cruz, zambales. (12 hours all in all lang ang biyahe. Good luck sa tumbong ano?)

Tumawag ako kay Joji at sinabi ko ang problema. Mas masaklap ang suggestion niya: sabihin n’yo sa participants, ipapadala na lang by mail ang certificates. Noooooooooo! Sigaw ng isip ko.

Pagkaraan ng makapigil hiningang mga minuto, napagkasunduan naming maaga kaming gigising (lalo na ako) para ireproduce ang certificates at cover. Buti’t dinala ko ang diskette na may file ng certificate. Ako na rin ang mag-eencode ng ilang essay ng mga bata na dapat ay gagawin ni rita kaya lang kulang na siya sa time dahil gagawin niya uli ang cover.

Sunday, 6:30 am, bumangon na ako, walang ligo-ligo, pinahid ko lang ang panis na laway at muta (yes, nauna ang laway then muta, para masoften ng laway ang muta, eeeeoooow) at nagpasama kay Kuya Ken (ang local coordinator na kamag-anak ni Mayor marty, sa dugo at sa kabaitan) sa computer-an. Naglakad kami ng mga 2 minuto tapos pumasok sa isang container van na ginawang opisina. Me dalawang computer sa kaliwa, isang makinilyang kasingtanda ko yata sa kanan, me malaking office chair sa dulo’t nahaharangan ng isang ordinaryong table. sa magkabilang gilid e, may mahahabang mesang napapatungan ng mga logbook, folder, supplies at iba pang bagay na matatagpuan sa opis. Me mga upuan din. Parang fly by night na opis, ganun. Iyong computer na gagamitin ko, e, walang plug. So pinagkakakabit pa namin lahat. Tapos ayaw naman gumana. Tinawagan ni Kuya Ken ang nag-ooperate nun. iginala ko uli ang beautiful eyes ko. Saka ko napansin, ang nameplate na nakapatong sa ibabaw ng mesa sa dulo, Luisito Marty. Tapos me seal sa likod ng chair. Seal ng Sta. Cruz, Zambales. At me bandila rin sa gilid. Susmarya! Opis na pala iyon ni Mayor. Ang simple! Ang tanging luho na nakita ko, e, dalawang aircon.

Wala pa namang silbi ang computer kaya lumabas ako’t naglakad-lakad. Sabi ni Kuya Ken, malapit lang ang dagat. Kaya I decided to take a sneak peek. Paputa dun, nadaanan ko ang health center nila, ang PNB, ang SK office, ang Fire station, kulungan na mukhang maliit lang at lumang luma (mababait siguro ang mga taga-doon, walang nagkakasala). Humantong ako sa isang cute na tulay, iyong tipo na makikita sa mga park na pambata. Tumawid ako’t nakita ko ang dagat. Malungkot ito, kulay-lupa. Pero maligalig. Sinasampal-sampal ang mga bahay na nakatirik sa gilid. Masama talaga ang panahon nang araw na iyon.

Sirang breakwater ang naghihiwalay sa lupa at dagat. Malapit sa breakwater ay parang isang park. Pero hindi maganda kasi parang putik-putik at shapeless ang park. Mukhang napabayaan bagama’t sabi ng pintura, iilang taon pa lang nagagawa iyon. Me mga tables pa na gawa sa bato. Me mga nakalatag na damit dun. Me isang pamilyang nakatira sa gilid (dingding nila ang pader) ng parang maliit na coliseum o stadium. Nung namataan ko sila, nagsasaing ang isang babae sa kalderong kasinlaki ng mga cup noodles sa 711. Plastic cover lang ang panangga nila sa ulan. Tinutungkuran ito ng mga binaling sanga ng puno. May dumaan na magtataho. Gusto ko sanang bilhan ng taho iyong mga bata ng pamilyang iyon. Kaya lang baka mainsulto ang magulang. Hindi naman yata sila pulubi. (teka….meron bang pulubi sa probinsiya?)

Bumalik na ako sa opis. Gawa na ang computer. Maluwag lang daw pala ang plug. shet nang-istorbo pa kami.Tapos ginawa ko na ang certificate, me logo pa: iyong seal ng bayang iyon. Isa-isa kong pinrint kaya natagalan ako. Habang nag-eencode na ako ng mga tanaga, diona at iba pang tula ng mga bata, dumating sina weni, nagpaalam na magtataype sa isang internet shop. Sabay-sabay naming ginawa ang folio. Tapos naligo lang ako, balik uli. Lunch? Wala na. diyeta kaming lahat. Nag-ubos pa ng oras sa hitsura ng folio. Ica-cut ba? Ang butas ng puncher sa taas o sa gilid? Back 2 back ba? isi-xerox pa ba?

Finally nung nagkasundo, para kaming pabrika… assembly line, ganun. Mga anakpawis! Hahaha ako taga-print, si jing ang taga-cut, si rita, sinusulat pa ang speech niya, si weni taga-puncher, si mar, ang taga-final salansan. Si ej at ate mila, documentors ng namamayaning kaguluhan sa paligid, yung isa nagdo-drowing, yung isa, kinukunan kami ng retrato.

Dumaan ang ala-una (ang sinabi naming time sa mga bata). hindi pa kami tapos! Dumaan ang alas-dos, wala pa rin. Finally nung alas-tres, 2 hours, after our deadliest deadline, handa na ang pitong folio. Isa para sa bawat school na dumalo, isa para kay Mayor. Iyong isang walang cover, amin. Iyong iba naming kasama, umuwi muna para magchange costume. At ako, ang host, ay umuna na. Pagdating dun, nanonood ng star wars (o superman yata) ang mga bata. hahaha ang galing ni Kuya Paul (isa pang coordinator doon). Nag-umpisa na ako agad. Nakalimutan ko pang magsorry kung bakit kami late lahat.

Tuloy-tuloy naman ang programa. Ang tanging bagay na hindi namin na-predict ay isang lagpas-trenta minutong presentation ng participants ng isang school. isang dula (feeling namin full length ito!) ang itinanghal nila. Me nakakatawang points like, isang bading na humirit ng chuvanes. E, ang gumanap na bading ay isang napakatahimik na participant at mukhang bato-batong bata. pero nainip ang mga tao. Buti na lang sila ang last. Nang maibigay na lahat ng certificates, launch naman ng folio. Pinaakyat ang mga rep ng bawat school, ibinigay ang kopya nila ng folio. Tapos nun, tinawag na ang mga best sa iba’t ibang genre. Mukhang hindi inaasahan ng bawat estudyante ang kanilang award. Ganun naman ang pagiging manunulat, laging puno ng sorpresa, laging unpredictable. Iyong akala mong ang tipid-tipid magsalita, e, isa palang makata.

Closing remarks namin si Weni. Ang ganda nung sinabi niya, na sinabi rin yata ni Marisol, ang rep ng mga participants na nagspeech. It’s something like this: ang panitikan ang dahilan kung bakit malaya tayo ngayon. Ibig sabihin, ‘wag ‘to balewalain dahil malaki ang nagagawa.

Naalala ko tuloy bigla si EJ. Nung unang linggo namin dun, nagpabili siya ng sampung pisong komiks na parang libro sa tapat ng venue. 2 ang pinili niya: mga bugtong at……..noli me tangere!

part 2 ng zambales lit arts fest

Monday, August 14th, 2006

dahil hinati nga namin sa dalawa ang klase, ang isang lecture bawat araw ay naging dalawa. so sa dalawang araw, naka-apat na beses kaming naglecture. oki lang sana kung classroom setting, pero inay, umaalingawngaw dun sa venue namin. at rinig na rinig ang isa pang lecture sa likod so kelangan talagang lakasan ang boses para marinig kami ng mga bata. mega-sigaw ako. yell dito, shout doon.

sa gabi naman, ayaw patalo ni EJ kaya naka-aircon kaming natulog. good luck na lang sa aming mga boses ano? pero ako lang naman yata ang napaos at super pagod sa group namin.

kumain din kami ng palabok sa palabukan sa tapat ng bahay. champion pa rin ang palabok ng kamuning market!!! sobra kasi ang sauce dun sa palabukan sa tapat ng bahay. lunod na yung noodles kaya di masyadong masarap.

masaya naman ang lectures ko re: poetry. napapatawa ko pa rin ang mga bata. buti na lang. ineexpect ko kasi highly-urbanized ang mga joke ko at baka di nila masakyan. isang blooper: ang himig na nanggagagad. ang ibig sabihin ng nanggagagad ay nanggagaya. sa ingles ito ay ….. tapos sinulat ko P_ _ _ _ Y. sabi ng isang bata, PHOTOCOPY? hahaha hindi kako, hindi! tapos ubod-lakas na sumigaw ang isa, PIRACY!!! ahahaha

ay teka. di n’yo rin alam ang sagot ano? wahahaha….o sige, ipost sa comment ang sagot ng mga may-alam!!!

nung sunday ng umaga, nagpunta kami sa st. michael church na katabi ng aming venue. ang ganda ng facade. mababa lang ito, lumang luma at simple. alam n’yo kasi, ako, kahit na anong luma e maganda para sa akin. ang bago, walang history. panget. walang character. sa akin, nagpapaganda sa anumang bagay ay ang history na napagdaanan nito. pero pagpasok mo sa loob ng simbahang iyon, parang ibang era naman. kasi bagong pintura ang kisame. pero pag tiningnan mo ang tiles, hispanic ulit ang dating. ito rin ang feeling ko nung nakatapak ako sa tiles ng baclayon church sa bohol. nakatungo ako palapit sa altar sa katititig sa tiles. ang ganda. luma nga kasi.

next weekend, babalik ang buo kong team doon para sa workshop at closing ceremonies. mangangarag uli kami sa pagod, hirap (biyahe, lectures, workshops) pero oki lang. napaka-accomodating naman ng aming host at siyempre, ang sarap kaya ng pakiramdam na naibabahagi ang kabang-yaman ng ating panitikan?

hanggang sa muli, ang literary careerist ng ating panahon,

veyvang

zambales lit arts fest

Monday, August 14th, 2006

kagagaling lang namin ni EJ kasama ang mga writers ng hilakbot (na naging kaklase ko sa M.A. at eventually nagustuhan ang mga trip ng isa’t isa kaya friendly friends na kaming lahat ngayon) sa Sta. Cruz, Zambales!

2 araw kaming nagbigay ng lecture ukol sa creative writing at panitikang filipino sa mga 50 high school student plus mga teacher/adviser nila. ayos naman ang lectures kaya lang nakakapagod. ako nga, e, namaos. iyong mga nakakakilala sa akin, iisipin nila, imposible! si bebang, paos? e, putsa, yung lalamunan niyan, kasinglaki ng boom mike!

oo. paos ako. at ngayon nga e 2 days akong di pumasok ng work para makarecover kasi po me storytelling session pa ako bukas. tsk….

ba’t ba kasi ako napaos? ganto kasi ‘yon. 6 hours ang biyahe papunta sa sta. cruz, zambales. hindi kami nakatulog sa biyahe dahil sa walanghiyang driver ng victory na hindi yata marunong magmenor at kahit me humps e ganon pa rin ang speed mga 999km/minute. at kahit lumiliko siya, ganon pa rin ang speed. dagdag pa, sa likod kami nakaupo. e, di parang anim na oras na roller coaster ang biyahe, ano?

tapos pagdating doon, mga 530am, sinundo kami ni Mayor Marty. (naku totoo ito. napaka-down to earth ng mama. imagine, nung tinawagan ko sa bahay nila that madaling araw, siya ang sumagot. tapos dumating sa bus terminal, siya lang mag-isa, walang bodyguard-bodyguard. wala ring driver. pinagtitinginan nga kami ng mga tao sa terminal. "bah, sikat, sundo pa ni mayor!") tapos nagtuloy kami sa ancestral house nila sa tapat ng municipal park as in plaza. doon kami tutuloy for the duration of the fest.

ang charming ng bahay. naalala ko ang bahay ng mga kamag-anak kong Chinese sa Ermita, Maynila. dun ako lumaki sa bahay na ‘yon. ganun na ganun. malalaki ang bintana. mataas ang kisame. bilog din ang gawa sa kahoy na dining table. maganda ang bahay na ‘yon sa Ermita. kaya lang hindi maasikaso. ang laki kasi. 3 floors, mga pitong room, 3 cr, me tindahan pa sa harap. basta malaki. saka commercial ang area (along m.h. del pilar st lang naman, parallel ng mabini) kaya ma-polusyon so yung mga gamit dun madaling maalikabukan at mangutim.

Ganun din ‘yong ancestral house ni Mayor Marty pero mas maliit at mas mababa pero mas maganda naman kasi well-maintained. sa pag-akyat mo ng hagdan papunta sa mismong sala, may mga banga na babati sa ‘yo. at mga nakaframe na picture ng tourist spots sa norte (pagudpud, callao caves, banaue). akala ko nga, museum iyon. bulong ko pa sa friend ko, so ito-tour muna tayo sa museo nila bago dalhin sa tutulugan natin?

tapos ang kintab ng sahig. kung puwede lang, nagsahig-skating na kaming mag-ina. at maraming lumang artworks (feeling ko neto lang yun ginawa pero matagal nang di napupunasan. so added years sa artwork ang mga alikabok) at salaming nakasabit sa dingding. tadtad din ang dingding ng dipa-dipang frames na binubuo ng mga lumang retrato ng pamilyang Marty at iyong iba ay ang mga mahahalagang tao na bumisita sa bayang iyon. Meron ding mga lumang class picture. napansin ko, ang papayat talaga ng mga Pinoy kahit noon pa. iba talaga ang built natin.

may mga grad pic din ng mga kamag-anak ni Mayor na ipinanganak once a upon a time at ‘yong mga 10-20 years ago lang. ang ganda ng lahi nila. mestiso talaga. ang prominent sa mga Marty: ilong. matangkad na pabilog ang kanilang ilong.

tapos mga luma ang mga gamit dun sa bahay na ‘yon. ‘yong TV, malaki ang kaha at parang sa stage, naisasara at nabubuksan na parang telon ang takip nito. gumagana pa raw ‘yon sabi ni Ate Mila, isa sa mga nag-asikaso sa amin sa bahay na ‘yon. Gawa sa kapis ang mga bintana. nagkalat din ang mga book shelf na puno ng encyclopedia at libro tungkol sa medicine. pangdoktor. tapos nabasa ko sa isang magazine sa sala na merong tiyuhin si Mayor Marty na doktor na sobrang makabayan. kahit sa US siya naka-base, umuuwi ito taon-taon at me bitbit pang modern medical equipments para sa mga ospital ng Sta. Cruz. nag-oorganize din ito ng medical missions doon tangay-tangay ang mga doktor mula sa US.

‘yung kuwartong tinulugan namin ay charming din. me dalawang medium-sized na kama at isang dressing table sa harap. walang bintanang makikita kasi napapalibutan ng bulaklaking kurtina ang paligid. feeling ko nga sa garden ako natutulog. ay mali, sa pagawaan pala ng kurtina! haahahaha

ang CR ay nasa bandang dining area. surprise ang Cr na ‘yon. parang regalong nakabalot sa diyaryo, pagbukas mo ang ganda-ganda pala! modern sa loob ang CR. me hot and cold shower ganun. matingkad na brown at cream ang tiles. golden ang handle na pangflush…pero sa labas, isang ordinaryong pinto lang ito.

me poso akong nakita sa dirty kitchen nila. poso nasa 2nd floor? weird. pero di ko natanong, baka di gumagana. baka naman display lang.

pahinga lang kami mga 13.4 seconds tapos nagprepare na. naligo.nagbihis at mga 7am that day, kumain na kami with Mayor.tapos hinatid niya kami sa venue.pagdating dun, namangha ako sa laki ng pagdarausan ng lit arts fest. ine-expect ko kasi classroom. 50 bata? puwede sa  classroom. pero ang venue na bumati sa amin ay isang malaking ewan ko kung anong tawag dun. kasinlaki ng gym na may bubong at dingding at me tiles ang flooring. tapos me stage sa dulo. ito yung tipo ng lugar na pinagdarausan ng graduation, ganun. wow, kako.

tapos kinakabit pa lang sa telon ang nasa felt paper na WELCOME, Participants and Facilitators! 1st Mayor Luisito E. Marty Literary Arts Fest. August 12,13, 19 and 20. e, andun na ang mga bata. nag-emergency meeting kaming facilitators. hindi puwedeng ganun kalaki ang venue. kahit pa may sound system. ang napagkasunduan namin, hahatiin sa gitna ang venue. hahatiin sa dalawang group ang participants. kaya nagkaroon ng simultaneous na lectures. ayan ang dahilan kung bakit ako paos.

si mar, ang nag-iisang teammate naming lalaki, natulog sa isang kuwarto, mag-isa (ang dami namang isa ng sentence na ito). niloloko nga namin. baka may multo. siyempre lumang bahay ‘yon, ano?

blessings

Thursday, August 10th, 2006

teka baka akala nyo bigla akong naging religious? errr…. a…. medyo oo sige sa entry na ito.

teka let me explain bago nyo isiping sinasapian si bebang.

ganto kasi yun, ngayong buwan ng agosto, iisa lang ang estudyante ko. so naisip ko patay, ang liit ng kita (kits) ko. wala namang ibang raket kundi iyong zambales lit arts fest lang na dalawang weekend lang. maliit lang ang fee namin doon as facilitators tapos syempre, bayad pa ako ng pamasahe ni EJ papunta at pabalik ng Maynila.

tapos nag-iisip na ako at tumitingin-tingin sa mga bulletin board sa UP at baka me want ad na part time na puwede kong pasukan. tapos biglang (as in split nano second) biglang nag email itong isa kong kebigan na nahanginan yata sa tuktok at inalok akong maging researcher niya. canada-based siya at ako ay magsisilbing galamay niya rito sa Pinas. wow, ang bait ng langit (me branch siguro si God sa Canada) kako. tapos e di hapi na ako though hindi pa masyadong finalized yun pero at least meron, merong project.

tapos kanina tumawag ang isang taga-Adarna books. puwede raw ba akong pumunta sa ofc nila? akala ko may seminar workshop re: storytelling na pinapa-attend-an sa akin. sabi ko kelan? sa wednesday daw whole day. sabi ko, ayos to. makakatulong sa magiging proyekto namin ng kaibigan kong nasa Canada. o..ok, ok kako. tapos inexplain niya, iyon pala ako pala ang magkukuwento sa mga bata mula 7 hanggang 4 ng hapon sa isang school sa Marikina. ayos. goodluck na lang sa malasutla kong lalamunan

di nyo kasi alam (di ko na rin pinagkakalat) me talent akong konti sa storytelling.me panahon pa sa buhay ko (nung mga 3 years old si EJ) na basta na lang ako uupo at magkukuwento sa mga bata sa kung anumang park na mapasyalan namin ni EJ: sa playground sa subdivision sa Las pinas, sa Lunetang malapit sa baywalk at sa children’s playground sa Kalaw, TAft Ave.

bitbit kong kuwento e Dingdong Dragon, isang dragon na hindi nagbubuga ng apoy. ang cute nito. humingi siya ng tulong sa isang bruha na nagbigay sa kanya ng potions. e matanda na yung bruha so mali-mali. yung 1st potion, pagkainom niya, ang nabuga niya, fish. Yung  2nd, butterfly. Yung 3rd, flowers. tapos sabi ng bruha, alam mo wag mo na lang pilitin na bumuga ng apoy. tutal destructive naman ang apoy. naisip ni dingdong dragon, oo nga. pagtiyagaan ko na lang ang flowers. tapos naisip nila, magbusiness. nagtayo sila ng flower shop!!!

-end-

o ayun. tapos sumali ako sa salaysayan this year, patimpalak sa storytelling. sa awa ng panginoong maykapal sa kaitaas-taasan, eliminated agad ako sa 1st round. malungkot ako pero hindi masyado kasi alam nyo, mayabang ako. hindi ako sumasali kung alam kong matatalo ako. hindi ko pinupursue kung alam kong hindi mapapasaakin. actually hindi pala mayabang ang tawag dun. Duwag. tama. Duwag ako.

D-U-W-A-G bebang B-E-B-A-N-G

kaya nung sumali ako rito, narealize ko sa sarili ko, nabawasan nang konti ang pagkaduwag ko. mantakin n’yo, alam kong malaki ang chance kong matalo pero sumige pa rin ako? so dun  ako nakilala nung taga Adarna books.napanood daw niya ang aking performance (na losing hindi winning hahaha) tapos sabi niya, punta ka rito sa ofc for contract signing. wow, kako sa isip ko, may bayad itoh!!! haha

kaya hapi ako ngayon. pagod sa trabaho at kay EJ pero hapi. kasi sa totoo lang, ilang beses nang nangyari sa buhay ko na worry ako nang worry dahil wala nang raket sa mga susunod na araw, linggo, buwan. pero tsk…walang palya ang supreme being…wala…wala talaga….kasi sa mga ganitong panahon, lagi as in laging merong dumadating sa akin na BLESSINGS.