unang book launch
kagabi, ni-launch ang unang tatlong aklat ko. actually, co-author lang ako pero inaangkin ko na talaga. bihira naman ang magka-libro ano? saka proud na proud talaga ako. sa hirap ng buhay, pa-onti nang pa-onti ang manunulat. feeling ko nga mapapabilang na ito sa endangered species sa hinaharap. tapos mas mahirap lalo ang ma-publish.
tapos, heto ako: tatlo-tatlo ang nila-launch? hahaha bongga talaga!
dumating ang adviser namin for pp245 si mam marot.at napaka-heartwarming ng kanyang speech. paborito ko iyong “im so proud of you” line niya hahaha
dumating din ang bestfriend kong si eris na ever reliable. at hindi lang yun. me bitbit pa. pampadagdag sa mga pumapalakpak.
dumating ang mga kaibigan ko sa lira. itong mga ka-batch ko, napaka supportive. sana sa lahat ng mga orgs ganito. kasi sino ba naman ang magtutulungan? e di ba tayo-tayo rin namang mga manunulat.
so ano ang mga dapat isama sa listahan ng bibilhin sa susunod na bisita sa National book store?
1. hilakbot-limang kuwentong isinulat ng limang manunulat. halos lahat ay base sa research paper namin on haunted houses: ang bisa ng sabi-sabi sa class nga ni Mam marot. pinakanakakatakot? iyong kuwentong dormitoryo
2. loyola high-isang maikling nobelang binubuo ng 12 chapters. diary entries ito ng mga high school freshmen na sina Mayumi, Lance, Wendell at Severino. o hulaan nyo kung sino ako diyan! nyehehe
3. City lights- compilation ng mga kuwento tungkol sa iba’t ibang lugar sa metro manila. ang charming ng cover WAG TATAWID NAKAMAMATAY. hahaha! pink all over! si adam david siguro me pakana nito!
o ayan. bili na!
congratulations at maraming salamat sa mga co-authors ko!
*salamat nga pala una sa nanay ko. kahit war kami. forever na yata kaming war.
*sa anak ko, si ej na kahit makulit at sutil e mabait pa rin. (eto ang parikala, personified)
*kay joji, ang aking saksakan ng supportive at mabait na BF
*ke eris at ron although hindi masyado si ron, ang best friends ko
*ke sarah ng psicom para sa pagkakataong ito
*sa mga kaibigan ko sa up, sa lira siyempre lalo na sa tatay rio ko (imagine, kung hindi niya nilalait-lait ang tula ko, malamang wala akong collections ng fiction ngayon)
*ke sir vim na kahit minsan ang talas-talas ng dila niyan, mahal ko pa rin yan kasi walang sawang sumusuporta sa mga baguhang manunulat!
*kay mam marot, naku talaga kung hindi niya hinain ang idea, wala sigurong hilakbot
*sa lahat ng naniniwala sa akin, maraming salamat. talaga. thank you. as in.
inaalay ko ang tatlong librong ito kay ej.
July 22nd, 2006 at 10:29 pm
hey sana ako makakuha ng kopya nito?
July 23rd, 2006 at 5:38 pm
congratulations!! kahit di kami nakapunta.. hehehe.. bibili na lang kami! aba, 2 na kakilala kong authors!
July 23rd, 2006 at 8:38 pm
congrats bebang! full support kami sa ‘yo kahit di kami nakarating sa launch. masama talaga sa social life ang trabaho eh hehehe bibili na lang ako ng libro mo, pramis!!!